Winwyn Marquez sa PBB 3.0: Ready na ‘kong mas makilala sarili ko 

Winwyn Marquez sa PBB 3.0: Ready na ‘kong mas makilala sarili ko 

Winwyn Marquez

NAKAPASOK na ang Kapuso actress at beauty queen na si Winwyn Marquez sa loob ng Bahay ni Kuya para sa “Pinoy Big Brother Collab 3.0.”

Tinaguriang “Ang Reyna Mama ng Parañaque”, nagdesisyon ang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno na maging housemate ni Big Brother upang mas makilala pa niya ang sarili.

Sey ni Winwyn sa panayam sa kanya, galing man siya sa showbiz family, nais niyang makilala ng madlang pipol sa sarili niyang pangalan.

“Lumaki ako sa isang malaking pamilya. People might say unconventional family namin. Pero honestly, I wouldn’t have it any other way.”

Ibinahagi rin niya na pinaghirapan niya ang lahat para maitatag ang sarili niyang pangalan.

“Being part of a well-known showbiz family, I really worked hard to make a name for myself and to build my own identity. From acting to pageantry, I’ve always been open to new opportunities and challenges.”

Inamin ni Winwyn na masaya siya ngayon sa kanyang personal na buhay at sa bagong papel na ginagampanan niya bilang isang ina at partner.

“Sa lahat ng naging role ko, being a partner and a mom to my four-year-old daughter, Luna, will always be my favorite. I’ve worn so many hats as a daughter, as an actress, as a beauty queen, and most importantly, a mom.”

Baka Bet Mo: Ex-PBB housemate nabagok ang ulo: ‘Wag biglang tumayo pagkagisingSa pagpasok niya bilang housemate, nais pa niyang ibahagi ang kanyang kuwento at ipakita sa publiko ang ibang bahagi ng kanyang sarili sa Pinoy Big Brother Collab 3.0.

“Sa bawat role na ginampanan ko, marami akong natutunan na naging bahagi ng kung sino man ako ngayon. And now, ready na ako mas makilala ang sarili ko and to show everyone a different side of myself sa Bahay ni Kuya.”

The post Winwyn Marquez sa PBB 3.0: Ready na ‘kong mas makilala sarili ko  appeared first on Bandera.

Source link