ILANG buwan ding pinag-isipang mabuti ni Marian Rivera kung tatanggapin ang “Remember” na reunion movie nila ng asawang si Dingdong Dantes.
Makalipas ang tatlong taon, matapos nilang gawin ang blockbuster film nilang “Rewind,” magbabalik nga sa big screen ang DongYan.
Sa naganap na global media launch ng “Remember” mula sa direksyon ni Mae Cruz Alviar, inamin ng Kapuso Primetime Queen na nahirapan siyang mag-decide kung tatanggapin ba nila ni Dong ang pelikula na kinunan pa sa Quebec, Canada.
“Sabi ko, Dad (Dingdong), parang kailangan natin mag-usap. Parang hindi ako ready
kasi maiiwan yung mga bata,” ani Marian.
Bilang hands-on mom, talagang inabot ng ilang buwan ang naging kumbinsihan sa pagitan nila ni Dingdong bago sila finally nag-yes sa project.
Sey ni Yanyan, “So, ang daming usap sa aming mag-asawa, and ang dami ko rin kinausap na iba. Pero tulad nga ng sabi sa akin ni Dong, niremind niya ako. Sabi niya, ‘Di ba ito yung dream natin na makapag-shoot tayo sa ibang bansa? Baka ito na yung chance natin.’”
Ang pinaka-concern ng aktres ay ang kanilang mga anak na sina Zia at Sixto, “Naging mahirap sa akin. Siguro ilang buwan ko kinausap yung mga anak ko, na para sa araw na aalis ako, handa na kami, pati ako.”
Pero chika ni Marian sa media, “Nu’ng napanood ko yung trailer, ina-admit ko na naging emotional ako. Naisip ko na mahirap mahiwalay sa anak pero worth it din pala.”
Baka Bet Mo: Dingdong Dantes sa pagsabak sa politika: It’s something that I don’t want
Pagbabahagi naman ni Dingdong sa naging experience nila sa pagsu-shoot sa Canada, “Yes, first time namin mag-asawa mag-shoot outside the Philippines, kaya naging
perfect rin yung Quebec, tsaka yung kuwento dahil ang daming first para sa amin.”
Para kay Dong, mas naging espesyal pa ang “Remember” dahil sila uli ni Marian ang magkasama.
“Kapag napakalapit ng kuwento sa puso mo, parang ang sarap sa pakiramdam, and ang
pinakamasaya pa diyan ay yung katrabaho mo yung mahal mo sa buhay,” aniya.
Ang “Remember” ay tungkol sa isang mag-asawang matagal nang nagkalayo at nakalimutan na kung paano magmahalan.
Kalaunan, napilitan silang magpanggap na muli silang magkasama alang-alang sa kanilang anak, na unti-unti nang nawawalan ng mga alaala.
Sa kanilang pagbabalik-tanaw sa nakaraan, matutuklasan nilang hindi madaling mabura ng panahon ang tunay na pag-ibig. Dahil kung minsan, isang himala lang ang kailangan upang muling maalala ang pagmamahal na minsang nagbuklod sa kanila.
Kasama rin sa movie sina Joross Gamboa, Kyle Echarri, Ana Abad Santos, Carla Humphries, Aiza Marquez, Jobert Austria, Jeff Lamay, Dominic Lorange at ang child actress na si Zia Grace.
Showing na ang “Remember” sa lahat ng sinehan simula sa Nov. 11, 2026.
The post Marian Rivera: Mahirap mawalay sa anak pero worth it din pala! appeared first on Bandera.
