Malupiton leading man na; mababaliw sa pag-ibig sa ‘He’s Dating a Boldstar’

Malupiton leading man na; mababaliw sa pag-ibig sa ‘He’s Dating a Boldstar’

PHOTO: Courtesy of NKO Films

MULA sa pagpapatawa sa online world, handa nang sumabak sa mas malaking entablado ang viral sensation na si Joel Ravanera, mas kilala bilang Malupiton.

For the first time kasi, siya ang napiling leading man para sa romantic comedy na “He’s Dating a Boldstar.”

Pero hindi lang basta kilig at tawanan ang hatid ng debut film ni Malupiton dahil susubukin din dito kung hanggang saan ang kayang gawin ng isang ordinaryong lalaki kapag umibig sa babaeng may kakaibang mundo.

Sa pelikulang mapapanood sa mga sinehan simula October 28, gagampanan ni Malupiton ang karakter ni Jeboy, isang simple, masayahin, at tipikal na lalaki na kuntento na sa payak niyang pamumuhay.

Baka Bet Mo: Malupiton hirap na hirap umiyak sa ‘He’s Dating A Boldstar’

Magbabago ang lahat nang makilala niya si Kit, na ginagampanan naman ni Analyn Barro, isang maganda at mabait na babae na unti-unting magbibigay ng kulay at excitement sa kanyang mundo.

Sa umpisa, simpleng pagkakaibigan lamang ang namamagitan sa dalawa. 

Pero gaya nga ng kasabihan, hindi mo talaga mapipigilan ang pusong umibig!

Habang lumalalim ang kanilang samahan, unti-unti ring mahuhulog ang loob ni Jeboy kay Kit. 

Ang hindi niya alam, may isang malaking bahagi ng buhay ng babae na malayo sa mundong nakasanayan niya.

Si Kit kasi ay isang performer na kilala sa paglabas sa mga pelikulang may temang adult content. 

At habang nadidiskubre ni Jeboy ang katotohanan tungkol sa babaeng minamahal, kailangan niyang harapin ang mga komplikasyong kaakibat ng kanilang relasyon.

Kaya ang tanong, kakayanin kaya ni Jeboy na tanggapin ang buong pagkatao ni Kit?

Alam naman ng marami na kilala si Malupiton sa kanyang mga nakatatawa at relatable na content sa social media na patok sa iba’t ibang edad at uri ng manonood.

Produced by NKO Films, ang “He’s Dating a Bold Star” ay idinirehe ni Niokz Arcega, na kilala sa kanyang kakaibang timpla ng comedy.

The post Malupiton leading man na; mababaliw sa pag-ibig sa ‘He’s Dating a Boldstar’ appeared first on Bandera.

Source link