Janine Gutierrez, Charlie Dizon excited buhayin Pinoy folklore sa ‘Balaraw’

Janine Gutierrez, Charlie Dizon excited buhayin Pinoy folklore sa ‘Balaraw’

PHOTO: Courtesy of Netflix

MULA sa mga kwentong aswang at alamat na kinagisnan hanggang sa isang misteryosong isla sa Netflix, handa nang muling buhayin ang mga kwentong-bayan ng Pilipinas sa seryeng ‘Balaraw’!

Hindi na bago kina Janine Gutierrez at Charlie Dizon ang mga kwentong tungkol sa mga aswang, mythical creatures, at iba pang kababalaghang Pinoy. 

Bata pa raw sila ay interesado na sila sa mga kwentong ito na ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.

Kaya naman, bukod sa kakaibang konsepto ng “Balaraw,” isa rin sa mga nakapagpa-excite sa dalawang aktres ang pagkakataong balikan ang Pinoy folklore sa mas malalim na pananaw sa pamamagitan ng bagong mystery-thriller series ng Netflix.

Baka Bet Mo: Janine, Charlie, Agot hatid ang misteryo, kilabot sa ‘Balaraw’

Sa media launch ng serye na dinaluhan ng BANDERA, ibinahagi nina Janine at Charlie ang kanilang pagkahilig sa mga kwentong-bayan at kung ano ang maaaring abangan ng viewers sa seryeng pinagsasama ang kababalaghan, family drama, at adventure.

<iframe src=" width="500" height="690" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Para kay Janine, na gumaganap bilang pangunahing karakter na si Sabina, matagal nang bahagi ng kanyang pagkabata ang pagbabasa ng mga kwentong may kinalaman sa Filipino folklore.

“Ako, I’m always interested in Filipino folklore and Filipino horror stories. I used to buy those books…‘yung maninipis na may volume 1, volume 2, tapos kwento ng either horror stories or mga alamat or mga aswang, folklore, mythical creatures of the Philippine,” pag-alala niya.

Dagdag pa niya, “So that’s something that always interested me and excites me as a kid. And now, as an adult, ang sayang balikan ng mga ganung kwento in more of an in depth and mature perspective na what would happen if these creatures were with us co-existing today.”

Ngayon na mas matanda na siya, mas interesado raw si Janine na tuklasin kung ano ang magiging hitsura ng mundo kung ang mga nilalang na karaniwang nababasa lamang sa mga alamat ay aktuwal na nakikisama sa mga tao sa kasalukuyan.

Ito rin ang isa sa mga kapanapanabik na konsepto ng “Balaraw,” na nagbibigay ng panibagong pananaw sa mga kuwentong matagal nang bahagi ng kulturang Pilipino.

Para naman kay Charlie, na gumaganap bilang si Bulak, nananatiling kawili-wili ang Filipino folklore dahil madalas itong nagmumula sa mga kwentong naririnig natin mula sa ating pamilya at sa mga taong naninirahan sa iba’t ibang probinsya.

“These are the stories that we hear from a lot of people, like people from the provinces, family natin. Parang ito ‘yung stories past down to generations. So lagi siyang interesting for me, lalo na may supernatural na characters, ‘yung mga lugar dito sa Philippines na nababanggit,” kwento niya.

Patuloy pa niya, “Tapos ito kasing ‘Balaraw,’ pinagsama-sama ni direk. Hindi siya directly nire-represent nun, pero pinagsama-sama niya para ma-represent ‘yung Filipino folklore.”

“So very exciting and nakatulong siya sa characters natin, lalo na kapag nakita niyo ‘yung set namin. As in kailangan mo ang maging present,” saad niya.

<iframe src=" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

Bukod sa mga kababalaghan at kapanapanabik na visuals, may mas emosyonal na kwentong naghihintay sa mga manonood ng “Balaraw.”

“I’m honestly so excited not just for audiences but for myself and Charlie kasi hindi pa namin napapanood…I think people can expect non-stop thrill and excitement and just serving visuals and bukod dun, galing sa puso talaga ang kwento ng ‘Balaraw’,” lahad niya.

“It starts really as mother-daughter story which is so sentimental and everybody will be able to relate tapos it’s within this grand world of ‘Balaraw’ na talagang I hope everybody is proud to be Filipino when they watch this and hopefully were able to share it to other nationalities and all kinds of people all over the world,” chika niya.

“So that they could see what Filipino culture and Filipino creativity is about. So I’m super, super excited,” aniya pa.

Bukod sa mga nabanggit, nais ding ipakita ng serye ang kahalagahan ng ugnayan ng pamilya at ang mga emosyonal na kwentong bahagi ng buhay ng mga Pilipino.

Mapapanood ang “Balaraw” sa buong mundo simula October 29, eksklusibo sa Netflix.

The post Janine Gutierrez, Charlie Dizon excited buhayin Pinoy folklore sa ‘Balaraw’ appeared first on Bandera.

Source link