Bea Alonzo mag-slow down sa showbiz, magpo-focus kay Vincent Co

Bea Alonzo mag-slow down sa showbiz, magpo-focus kay Vincent Co

Bea Alonzo

MUKHANG panahon na para unahin naman ni Bea Alonzo ang personal na buhay matapos ang maraming taon na pagtatrabaho.

Matapos ang matagumpay na karera sa pag-arte, aminado ang aktres na gusto na niyang magkaroon ng mas maraming oras para sa sarili at sa asawang si Vincent Co, lalo na ngayong pinag-iisipan na nila ang pagbuo ng sariling pamilya.

Pero bago mag-isip ng panibagong kabanata sa buhay, may ilan pang trabahong kailangang tapusin si Bea, kabilang ang nalalapit niyang seryeng “Whispers From Heaven” at isang pelikula.

Pagkatapos ng mga proyektong ito, balak niyang maghinay-hinay sa showbiz upang mabigyang-pansin naman ang mga bagay na mahalaga sa kanya sa labas ng kamera.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo super happy sa kanyang married life: I’m on cloud nine

“Honestly, I would like to give a lot of time for my personal life also. To build a family ganiyan. So, yeah, that’s what’s next for me,” sey ni Bea  sa panayam sa kanya ng 24 Oras reporter na si Nelson Canlas.

Hindi rin naman daw magiging hadlang sa career ni Bea ang pagiging may asawa dahil naiintindihan ni Vincent ang kanyang trabaho.

“He still allows me,” saad ni Bea.

“Maganda naman sa amin we still respect individuality, he allows me to do whatever makes me happy. And vice versa naman, I allow him to do whatever makes him happy,” chika pa niya.

Kung tutuusin, hindi naman nakapagtataka kung gusto munang magpahinga ni Bea sa pagiging abala sa showbiz.

“I’ve been acting since I was 13 and I just turned 39, parang feeling ko now is the time to actually just pick whatever makes you happy. Parang, harvest season na ngayon,” sambit niya.

Paliwanag pa niya, “Parang nagtanim ka na nang madami, so parang I would like to believe na kahit on and off screen ako, I would like to believe na nakapagtanim na ako sa mga fans ko. Sa mga taon ng trabaho ko, that they would somehow remember.”

Magugunita nitong Hulyo, ikinasal si Bea kay Vincent sa isang simple at pribadong civil wedding ceremony na pinangunahan ni Makati City Mayor Nancy Binay.

The post Bea Alonzo mag-slow down sa showbiz, magpo-focus kay Vincent Co appeared first on Bandera.

Source link