Faith Da Silva sa relasyon nila ni Sam Verzosa: Hindi ko siya boyfriend!

Faith Da Silva sa relasyon nila ni Sam Verzosa: Hindi ko siya boyfriend!

Faith Da Silva, Sam Verzosa

MAY nilinaw ang aktres na si Faith Da Silva sa pagiging close nila ng TV host-politician na si Sam Verzosa.

Ang sagot niya sa mga nagsasabing may namamagitan sa kanila: “Hindi ko siya boyfriend.”

Sa panayam ni Faith sa “Fast Talk with Boy Abunda,” inamin ni Faith na limang taon na silang magkakilala ni Sam. 

Gayunman, iginiit niyang matalik na magkaibigan lamang sila sa ngayon.

Baka Bet Mo: Faith da Silva dream come true pagiging beauty queen sa ‘Red Crown’

“Matagal na kaming magkakilala and because of him, sa totoo lang, ang daming opportunities na nag-open sakin dahil sa knowledge na meron siya,” kwento ng aktres.

Patuloy niya, “He taught me about manifestations, affirmations, and because of him, parang ‘yung pangarap ko sa buhay, mas lumaki. Because nakita ko na walang imposible sa buhay na ito.”

“And we came from the same place. He’s also from Manila, ako rin, from Manila, at kung papaano ko siya nakikita na parang lahat ng pangarap mo, hindi mo kailangan mangarap ng maliit lang kasi kahit ‘yung mga big things, you can achieve them,” dagdag pa niya.

Hindi rin nakaligtas sa usapan ang viral photos at videos nina Faith at Sam sa airport, na lalo pang nagpasiklab sa espekulasyong may relasyon sila.

Pero ayon kay Faith, hindi naman sila magkasama roon nang silang dalawa lamang dahil bahagi ang mga ito ng isang group trip.

“Sabi ko, hindi pa pala kami nakakalapag ng L.A., kumalat na pala ‘yung issue na ‘yun, nalaman na kaagad ng lahat. I mean, sabi ko naman, ako, wala naman akong tinatago. Hindi ko naman tinatago, and we were there as a group. It’s a group trip,” paglilinaw ng aktres.

Sa halip na ma-stress sa mga kumakalat na intriga, tila nagagawa pa nga raw nilang pagtawanan ni Sam ang mga haka-haka tungkol sa kanilang dalawa.

Matatandaang lalong napansin ang dalawa nang makita silang magkasama sa red carpet ng Miss Universe Philippines 2026 coronation night.

Nadagdagan pa ang usap-usapan nang lumutang ang balitang hiwalay na umano si Sam sa Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Kung matatandaan, nauna nang itinanggi ni Sam ang pagkaka-link sa kanya kina Faith at Kyline Alcantara nitong Hunyo.

The post Faith Da Silva sa relasyon nila ni Sam Verzosa: Hindi ko siya boyfriend! appeared first on Bandera.

Source link