LABIS ang lungkot na nararamdaman ng singer-actress na si Klarisse de Guzman matapos pumanaw ang kanyang ina na si Esnobie de Guzman.
Sa kanyang Instagram post nitong Sabado, October 24, ibinahagi niya ang larawan ng huling moment nila sa ospital kalakip ang kanyang mensahe para kay Mama Nobie.
“Mahal na mahal kita, Mama ko. Iyakap mo na lang ako kay Papa ah. Mahal na mahal ko kayo,” saad ni Klarisse.
Hindi naman na niya idinetalye pa kung ano ang rason ng pagpanaw ng ina.
Baka Bet Mo: Klarisse de Guzman humiling ng dasal para sa ina: I’m so scared!
View this post on Instagram
Bumuhos naman ng mensahe ng pakikiramay ang post ni Klarisse mula sa mga kaibigan mula sa showbiz gaya nina Donny Pangilinan, Gary Valenciano, Will Ashley, at iba.
Matatandaang noong Martes, nakiusap ang Kapamilya singer sa kanyang followers ng dasal para sa ina.
“Namamanhid ako. I’m so scared. Pwede nyo po ba isama si Mama sa prayers nyo?” saad ni Klarisse sa kanyang Instagram broadcast channel.
The post Klarisse de Guzman nagluluksa sa pagkawala ni Mama Nobie: Mahal na mahal kita appeared first on Bandera.
