Bato dela Rosa binigyan ng isang linggo para sumuko

Bato dela Rosa binigyan ng isang linggo para sumuko

ISANG linggo ang ibinigay na palugit ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. para sumuko si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa. 

Ito ay kasunod ng pormal na anunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla nitong Biyernes, October 23, na magbibigay sila nv P50 million pabuya upang mahuli ang senador.

“You yield. Sumuko ka. Kung puwede mong mapasuko, e di sumuko ka. And so, Sen. Bato Dela Rosa, has one week to surrender at pinaghahandaan natin iyan,” saad ni Nartatez.

Aniya, hindi na raw sila nakikipagnegosasyon sa senador kaya mas mabuti na lang na sumuko na ito sa awtoridad.

Baka Bet Mo: Bato dela Rosa nilaru-laro, panaginip kay Duterte viral uli

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hindi naman tayo nakikipag-negotiate. We are giving him an option to surrender. Iyon ang pinakamaganda, mag-surrender,” payo ni Nartatez kay Bato.

Maaaring maharap sa consequences ang sinumang mapapatunayang tumutulong o pumuprotekta sa senador.

“If proven that they are cuddling… ang sinasabi natin, whoever cuddles him will face the consequences,” pagtatapos niya. 

The post Bato dela Rosa binigyan ng isang linggo para sumuko appeared first on Bandera.



Source link