Pulong Duterte nagsampa ng cyber libel laban sa GMA, NBI director, journalists

Pulong Duterte nagsampa ng cyber libel laban sa GMA, NBI director, journalists

NAGHAIN ng reklamong cyber libel si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte laban kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag pati na din sa ilang opisyal at mamamahayag ng GMA Network.

Ito ay isinampa niya sa Office of the City Prosecutor sa Davao City. 

Bukod kay Matibag, kabilang din sa mga pinangalanang respondent sa reklamo ni Duterte sina Rodulfo Gracioso Jr.,  Felipe Gozon, Gilberto Duavit Jr., at Kapuso journalists na sina Mel Tiangco, Vicki Morales, Emil Sumangil, Darlene Cay, at iba pa.

Si Gracioso ay ang pulis na sinibak sa serbisyo, na umano’y naghatid ng bilyun-bilyong pisong halaga ng peraa kay Vice President Sara Duterte.

Baka Bet Mo: Korina binarag ni Pulong: D’yan ka na lang sa sosyalan ninyo

Nahingan naman ng komento si Matibag hinggil sa paghahain ng reklamo ni Duterte ngunit sinabi nigang wala pa siyang nababasa. 

“That’s his prerogative, hindi naman natin sya pwedeng pigilan,” lahad ni Matibag.

Sa isang pahayag, sinabi ng GMA Network na  hindi pa sila nakakatanggap ng kopya ng reklamo ni Duterte at rerebyuhn muna ito bago magkumento kapag nabasa na niya ang reklamo laban sa kanya.

The post Pulong Duterte nagsampa ng cyber libel laban sa GMA, NBI director, journalists appeared first on Bandera.

Source link