LABIS ang takot na nadarama ng singer-actress na si Klarisse de Guzman sa kalagayan ng kanyang ina.
Sa kanyang Instagram broadcast channel, humingi ang singer ng dasal mula sa kanyang followers para sa ina.
“Namamanhid ako. I’m so scared [sad emoji],” saad ni Klarisse.
Pagpapatuloy niya, “Pwede nyo po ba isama si Mama sa prayers nyo?”
Baka Bet Mo: Klarisse de Guzman dawit na rin sa JMFyang blind item
View this post on Instagram
Agad namang umani ng mensahe ng pag-aalala st dasal mula sa kanyang followers ang pakiusap ni Klarisse.
“Praying for your mom, mowm! Dito lang kami always.”
“Praying for you, Klarisse! She will be healed by the Lord! Amen.”
“Sending healing prayers for your mom! Magiging ok rin si Tita Nobie!”
Matatandaang naging bukas si Klarisse sa kondisyon ng kanyang ina nang pumasok siya bilang celebrity housemate sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab” edition.
Bago pa man ang kanyang mensahe sa IG broadcast channel, nag-anunsyo na ang ABS-CBN na hindi siya makakadalo sa isang event.
“Please be informed that Klarisse De Guzman will be unable to appear on The Funal Show LIVE tonight at 8:00 PM due to a family emergency.
“We sincerely appreciate your understanding and kind consideration. Thank you for your continued support,” saad ng Star Magic.
The post Klarisse de Guzman humiling ng dasal para sa ina: I’m so scared! appeared first on Bandera.
