Ashley Ortega, Mavy Legaspi 2 years nang magjowa, pakakasal na?  

Ashley Ortega, Mavy Legaspi 2 years nang magjowa, pakakasal na?  

Ashley Ortega at Mavy Legaspi

UMAASA at ipinagdarasal ng Kapuso actress na si Ashley Ortega na si Mavy Legaspi na nga ang kanyang “forever.”

Ngayong darating na October 27 ay magse-celebrate ang celebrity couple ng kanilang second anniversary.

Nagkuwento si Ashley sa guesting niya sa GTV talkshow na “KALURKS!” tungkol sa plano ni Mavy para sa selebrasyon ng kanilang anibersaryo bilang magdyowa.

“Dinner lang naman, hindi naman kailangan sobrang bongga,” ang chika ng aktres.

“I’m just happy na ang tagal na pala namin, two years na rin pala ang nakalipas. So, going strong and I’m happy,” aniya pa.

Sa tanong kung napag-uusapan na ba nila ng Kapuso actor ang pagpapakasal at pagbuo ng sarili nilang pamilya?

“Kami ni Mavy, when he was still courting me, sinabi ko naman na, syempre, I’m not getting any younger, what I want in a partner, in a relationship, is ‘yung pang long term na, hopefully.

“Pero right now kasi hindi pa naman namin pinag-uusapan na, ‘Are we gonna get married?’ Wala pa kasi priority pa namin is ‘yung career namin. 

Baka Bet Mo: Mavy Legaspi tinanong ni Zoren kung straight ba o beki: Para alam ko na!

“Especially, Mavy kasi, syempre, he’s younger than me. Marami rin pa siyang gustong gawin sa career niya. 

“Especially me, ang dami ko pang gustong gawin. Kaka-start ko lang din pa ng isa pang business.

“Pero, siyempre, sinabi ko naman sa kanya na, of course, if sana pinagdadasal ko rin na, syempre, gusto ko na ‘yung partner ko ngayon, which is si Mavy, na ‘yun na sana. 

“Kasi ang hirap naman if you gonna go back to zero again,” ang pagbabahagi pa ng Kapuso Sparkle star.

The post Ashley Ortega, Mavy Legaspi 2 years nang magjowa, pakakasal na?   appeared first on Bandera.

Source link