Shanaia Gomez may nilinaw: I’m allowed to talk about whatever I want

Shanaia Gomez may nilinaw: I’m allowed to talk about whatever I want

NAGSALITA na ang dating Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10 Celebrity Edition housemate Shanaia Gomez matapos mag-viral ang kanyang pag-expose sa male celebrity na nag-try dumiskarte sa kanya noong 14-anyos pa lamang siya.

Sa pamamagitan ng isang video clip na ibinahagi niya sa kanyang Facebook page nitong Huwebes, September 17, sinabi niyang ito na ang una at marahil huling beses na magsasalita siya hinggil sa hindi inaasahang isyu.

“First of all, I’m allowed to share whatever I want on my social media account. I’m allowed to talk about whatever I want on my social media account. It has taken 24 years, long years, for me to set these boundaries in my life so I will not apologize for having those,” saad ni Shanaia.

Aniya, walang “statute of limitations” sa pagkukuwento ng kung anuman ang nangyari at naranasan niya sa buhay.

Baka Bet Mo: Shanaia Gomez pinormahan ng male celeb noong 14-anyos siya

Kuwento ni Shanaia, may mga bagay na nangyari sa kanya noon na nare-realize na lang niya na hindi tama ang ilan sa mga pangyayari at hindi ito ok.

“So if I want to share some things on my social media account, then I have the right to do so. You know, I don’t owe anyone an explanation. I will share what I’m comfortable sharing, what I’m willing to share, and I will share as much as I’m comfortable doing so,” lahad ng dalaga.

Giit rin ni Shanaia, hindi naman alam ng madlang pipol kung ano ang naging epekto ng mga na-experience niya gaya na lang ang mga natatanggap na mensahe.

“At the end of the day, it affected me personally and what I had to go through because of those things. And the fact that I am sharing some stuff whether it is a cryptic video or not, that’s a big step for me,” pagpapatuloy niya.

Madali umano ang sisihin si Shanaia sa ginawa pero ‘yun ang katotohanan.

“It’s easy to blame me or get mad at me for putting it out there but it dod happen to me. It is my life. This is real. This is not a movie or something,” diin pa niya.

Matatandaang sumabog sa social media ang pa-blind item ni Shanaia tungkol sa male celeb na mas matanda sa kanya na panay send ng message sa kanyang Instagram.

Marami sa mga netizens ang nagsabi na si Carlos Agassi ang naturang celeb base sa naging clue ng dalaga na “happy siya at birthday na niya”.

The post Shanaia Gomez may nilinaw: I’m allowed to talk about whatever I want appeared first on Bandera.

Source link