VIRAL na ngayon sa social media ang “meme” kung saan ibinandera ang posibleng maging itsura ng “Super El Niño uniform” para sa mga guro.
Nagpasabog ng aliw ang naturang post na nagpapakita kung ano ang posibleng maging OOTD ng mga teacher kapag nagsimula ang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas.
Bumalandra nga sa mga netizens ang fashionable sleeveless school uniform na maaari raw isuot ng mga guro sa panahon ng matinding tag-init.
Ito’y matapos ngang maglabas ng pahayag ng Department of Education (DepEd) na maaari nang payagang magsuot ng sando o anumang komportableng damit ang mga estudyante sa pampublikong paaralan dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño.
Makikita sa viral meme na in-upload sa Facebook account na “Buhay Teacher” ang anim na titser na nakasuot ng iba’t ibang disenyo ng walang manggas na pang-itaas.
Mababasa sa text caption nito, “What if DepEd released a sleeveless version of our uniform?” at “DepEd Uniform Super El Niño Edition.”
Sa comments section ng kanilang post, may pahabol na hugot pa ang “Buhay Teacher” page, “Yung sa pambabae, medyo maayos pa. Yung sa panlalaki, brasuhan ang labanan.”
“Ayan, mga teacher na nag-adjust.
“Sana after 48 years, may aircon na ang bawat public school classroom para di na kailangan mag-sando,” ang hirit pa nila.
May mga nagkomentong netizens na sana’y magkaroon din ng presko at komportableng uniform ang mga guro sa public schools tulad ng mga mag-aaral dahil siguradong maaapektuhan din ang kanilang pagtuturo kung matindi nga ang init ng panahon.
Baka Bet Mo: Claire Castro may nilinaw, walang sinisising guro: Ito po ay paalala
Narito ang ilang komento na nabasa namin mula sa netizens hinggil sa viral meme kauganay ng Super El Niño na ang ilan ay nag-suggest pa na lagyan na lang ng aircon ang bawat silid-aralan.
“Kung babae ang magsusuot ng ganyang design, okay lang naman. Pero kung sa lalaki, I don’t think it would suit them as much. There are probably much better options out there na mas bagay sa lalaki.”
“Bakit ba tayo umabot sa ganito?”
“Paano na lang kaya kung Monday exercise sa flag raising ceremony ay ang HAWAK KO ANG BEAT?”
“NASA dress code ba ganitong style?”
“Bakit kaya di na lang bumili ng Industrial Fan?”
“What if DepEd fund a solar and put aircon in every room?”
“Sa halip na lagyan ng aircon o electric fan ang bawat room! Bakit sando pa ang ipasuot? Ang uniform magpapakita ng galang sa sarili at pagpapakilala na ikaw ay studyante hindi outsider.”
“Imbis na Aircondition bawat class room kasi..”
“Di nman kagalang galang Ang itsura pag ganyan uniform Ng guro crop top na lang kaya hehe.”
“Baka pwede na din po bawasan ung pantalon.”
“Mag-shorts na lang din haha.”
Matatandaang sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na hindi na mahigpit na ipatutupad ang pagsusuot ng uniporme ng mga mag-aaral sa public schools bilang paghahanda sa matinding init dulot ng El Niño.
“Hindi na po kailangan mag-uniform. Informal, puwedeng mag-sando na lang or anything, basta medyo dignified nang konti,” ani Angara.
Samantala, ayon naman sa Teachers’ Dignity Coalition (TDC), hindi sapat ang pagpapahintulot sa pagsusuot ng mas preskong damit upang maprotektahan ang mga estudyante at teacher guro laban sa epekto ng Super El Niño.
“TDC recognizes Education Secretary Sonny Angara’s acknowledgment that adjustments, including the possible wearing of sando, may be necessary in response to extreme classroom heat,” ang mababasa sa opisyal na pahayag ng TDC.
“However, we emphasize that we must await a formal DepEd policy clarifying the rules on official uniforms for both learners and teachers.
“Clear, consistent, and practical guidelines are needed to avoid confusion among schools and ensure that uniform requirements are responsive to prevailing conditions and do not unnecessarily burden learners, teachers, and their families,” saad pa ng grupo.
Bukas ang BANDERA sa magiging tugon ng DepEd hinggil sa panawagan ng TDC.
The post ‘Super El Niño uniform’ ng mga guro viral: Mga teacher na nag-adjust appeared first on Bandera.
