Nikko Natividad na-shock sa babaeng nakaengkuwentro sa kalye

Nikko Natividad na-shock sa babaeng nakaengkuwentro sa kalye

“NA-OFFEND” ang actor-content creator na si Nikko Natividad sa babaeng napagtanungan niya sa lansangan. 

Naichika ng dating miyembro ng grupong Hashtags ang naging experience niya nang minsang magtanong ng direksyon habang nagmamaneho. 

Walang patumangga raw siyang tinawag ng napagtungan niyang babae ng “never grow bold”.

Ito’y may konek sa viral ngayong content creator na may pangalang “Never Grow Old” kung saan mapapanood sa kanyang vlogs ang pagtatanong niya sa mga taong naglalakad habang sakay siya ng kanyang kotse kung kilala ba siya at kung naka-follow ang mga ito sa page niya.

Baka Bet Mo: Nikko Natividad hindi pangbida tulad nina Daniel, Joshua

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kapalit nito ang pagbibigay niya ng libu-libong pera sa mga makakakilala sa kanya. 

Kaugnay naman nito, isa si Nikko sa tinaguriang “Big Four” o ang apat na male celebrity na na-involve sa pagkalat ng sex video sa social media.

Sa Facebook page ni Nikko naikuwento nga niya na may napagtanungan siyang babae habang nagmamaneho.

“Kanina nag dadrive ako binaba ko bintana ko para magtanong ng daan, na offend ako sabi ba naman sakin nung ale… 

“’Kilala kita ‘NEVER GROW BOLD,’” ang sey pa ng aktor. 

Hirit pa ni Nikko sa comment section, “Sana na TYPO lang si ateng napagtanungan ko.” 

Bwelta pa ni Nikko, puro comment pa raw ang mga netizen ng, “Pinaalala mo pa!” tungkol sa kinasangkutan niyang video scandal pero ang mga ito pa ang palaging nagda-dialogue ng, “Hindi namin makakalimutan.” 

“Puro kayo comment ng ‘pinaalala mo pa.’ Eh araw-araw niyo ngang comment sa akin ‘Hindi namin makakalimutan’ mga gung gung,” chika pa ni Nikko. 

The post Nikko Natividad na-shock sa babaeng nakaengkuwentro sa kalye appeared first on Bandera.



Source link