Roque sa pagharap ni Duterte sa ICC: Walang wheelchair! Walang drama! 

Roque sa pagharap ni Duterte sa ICC: Walang wheelchair! Walang drama! 

Harry Roque at Rodrigo Duterte

TILA nang-urot na naman si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque at binengga ang ilang personalidad na sangkot sa isyu ng korapsyon.

Nagkomento si Roque tungkol sa kauna-unahang personal na pagdalo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang hearing sa International Criminal Court (ICC), kahapon, September 16.

Nag-post ang abogado sa kanyang Facebook page at sinabing walang kahit na anong aparato o medical equipment na nakadikit at nakatusok sa dating pangulo sa muli niyang pagsalang sa pagdinig ng ICC sa kaso niyang “crimes against humanity”.

“Walang wheelchair. Walang oxygen at heartbeat monitor. Walang drama. Tatak Duterte! #TapangatMalasakit,” ang hirit ni Roque.

Makalipas ang mahabang panahon, muli ngang nagpakita sa publiko si Duterte para sa kanyang status conference hearing sa ICC. 

Ito ang unang pagkakataon na um-attend nang personal ang ama ni Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng ICC.

Ilang beses na hindi sumipot ang dating presidente sa anumang ICC hearing bunsod na rin sa mga isyu sa kanyang kalusugan.

Baka Bet Mo: Harry Roque: Kung ako si Inday Sara, magpapahuli ako, hahalik sa rehas

Narito ang ilang komento ng mga FB users sa mga hirit ni Roque.

“81 yrs old na si tatay digong Pero malakas pa rin.”

“Hindi kasi umubra yung drama nyo noon.” 

“True! Proud of you Tatay Digong! Sayo namin naramdaman ang tunay na malasakit ng isang Presidente sa kanyang mamamayan! Lord, Guide our Tatay Digong.”

“Walang drama pero lakas maka k. drama mukhang oppa c tatay digong.”

“WALANG KASAMA, WALANG KAPANGYARIHAN AT WALANG KALAYAAN. Ayan inayos ko na. WALANG UUWI.”

“Syempre kaalyado kayo, lahat ng kabutihan  sa inyo at lahat ng kasamaan ilalagay mo sa mga kalaban, dati sigaw nyo bakit si martin di hulihin, ngayon nandyan na , sabihin nyo drama, kayo na may problema nyan.”

The post Roque sa pagharap ni Duterte sa ICC: Walang wheelchair! Walang drama!  appeared first on Bandera.

Source link