Joshua Garcia nag-trending, sey ng netizens: Welcome to haggard era

Joshua Garcia nag-trending, sey ng netizens: Welcome to haggard era

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang bagong look ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia.

Nag-post kasi ang aktor sa Facebook ng reels kasama ang dating ka-love team at ex-girlfriend na si Julia Barretto para sa kanilang promotion ng bagong pelikulang pagsasamahan nila na “Always Yours, Never Mine”.

Tatlo rin ang mga videos na ibinandera ni Joshua pero halos iisa lang ang mga napuna ng netizens at mga faney nilang dalawa.

Bukod sa bagong kulay ng kanyang buhok ay tila mukhang haggard na raw binata.

Baka Bet Mo: Joshua Garcia inakusahang DDS dahil sa TikTok video ni VP Sara

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa katunayan, isang netizen ang nag-post sa Reddit ng patungkol sa itsura ni Joshua.

Tanong nito, dahil ba sa bagong kulay ng buhok ng binata na hindi bumagay sa kanya o dahil kulang ito sa tulog dahil sa trabaho?

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens hinggil sa bagong look ni Joshua.

“It’s the weight loss too, I think. He kind of lost the baby fat on his face, which tends to make people look younger and their facial features softer,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ganyan siguro itsura ni Joshua if di sya sumikat haha char.”

“TBH, it does not look good to Joshua, para syang nagka sakit or something (not a hater of him ah), hope he hasn’t joined the team insta-slim injectables, iykyk!!!” sey ng isa.

Hirit naman ng isa, “Bkit n haggard c Joshua.”

“Welcome to the haggard era! HAHAHA,” banat naman ng isa.

Well, baka nga puyat lang talaga ang aktor at kulang sa tulog kaya naman medyo haggard ang rehistro nito sa camera.

Wala pa namang pahayag si Joshua hinggil sa mga komento ng netizens sa kanyang bagong look.

The post Joshua Garcia nag-trending, sey ng netizens: Welcome to haggard era appeared first on Bandera.



Source link