Singer-actor suplado na feeling gwapo pa, hindi bet ng mga direktor

Singer-actor suplado na feeling gwapo pa, hindi bet ng mga direktor

Guess, guess who!?

MAS pinili pala ng singer-actor ang kanyang career kaysa sa magandang aktres kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Bagama’t walang pormal na pag-amin ang singer-actor at ang magandang aktres na hiwalay na sila ay madalas naman silang nakikitang magkasama sa mga events na kailangan nilang puntahan at isa kami sa mga nakakita sa kanila.

Ang style ng dalawang celebrities ay magkasabay na dumarating pero hindi naman sila magkadikit o nagpi-PDA (public display of affection) sa event.

May kanya-kanya silang mga kaibigang kausap at kapag aalis na ay may nauuna at maghihintay na lang sa sasakyan ang isa.

Medyo mailap din ang singer-actor dahil kapag may nakita na siyang taga-media ay umiiwas na agad na kunwari ay may kausap sa cellphone.

Baka Bet Mo: KALURKEY: Kilalang aktor bano na ngang umarte may attitude pa! 

Going back sa mas pinili ni aktor ang career, kasi naman itong si boyfriend ay hindi mo mawari kung pasulong o paatras ang karera.

Medyo may pagkasuplado kasi ang aktor at feeling guwapo kaya ang ending hindi siya bet ng mga direktor lalo na kung pang-masa ang kuwento ng pelikula o serye.

At saka nabantilawan na rin ang karera niya dahil marami nang nagsulputang mas bata at mas promising na pangbidang lalaki.

Pero ang iniwang dyowa na magandang aktres ay may project naman at puro support, hindi na rin siya puwedeng bida dahil hindi pambida ang beauty niya.

Sa kasalukuyan ay hindi aktibo si singer-actor samantalang si magandang aktres ay may nakita kaming ginagawa at kasama ang bagong aktor na mukhang bagay naman sila.

The post Singer-actor suplado na feeling gwapo pa, hindi bet ng mga direktor appeared first on Bandera.

Source link