Michael V papalit kay Dingdong Dantes bilang host ng ‘Family Feud’

Michael V papalit kay Dingdong Dantes bilang host ng ‘Family Feud’

Dingdong Dantes at Michael V

SI MICHAEL V ang papalit kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang host ng “Family Feud.”

Siguradong aabangan din araw-araw ng mga Kapuso viewers ang saya na hatid ni Bitoy na pansamantala munang hahalili kay Dong bilang host ng nangungunang game show sa bansa.

Simula bukas, Setyembre 17, si Bitoy ang magiging host ng programa habang  inaasikaso ni Dingdong ang pagte-taping para sa GMA hit primetime series na “The Master Cutter.”

Sa isang panayam, ibinahagi ni Bitang ang kanyang excitement at nostalgia sa pagbabalik-host sa isang game show.

“Naku! Napakasaya, miss na miss ko na ‘yung pagho-host. Matagal ko nang iniisip-isip ‘to eh, na-miss ko nga ba o hindi? 

“Pero nu’ng sumalang na ako dito sa Family Feud, oo nga, na-miss ko nga!

Baka Bet Mo: Bitoy iwas na iwas sa tukso: Pinaka-sexy, pinakamaganda pa rin ang misis ko!

“At gusto ko ‘yung interaction, gusto ko ‘yung meeting new people at saka ‘yung mga sagot na binibigay nila para malaman mo ‘yung personality nila,” pahayag ng Comedy Genius.

Kilala sa kanyang pagiging versatile bilang komedyante, aktor, host, manunulat, at direktor, nakatakdang dalhin ni Michael V ang kanyang sariling istilo ng pagpapatawa at wit sa “Family Feud.”

Ibinahagi rin niya na nagdagdag siya ng ilang twist sa nakasanayang mechanics ng game show.

“Nilaro lang natin nang konti. Madalas kasi kamay sa mesa ‘yung nire-request ni Dong. Request lang pala ‘yun, so parang puwede namang iba-ibahin.

“So saan-saan ko pinahawak, lalo kapag mga beauty queen, gusto ko kamay sa korona. At saka iba-iba pang parte ng katawan.

“Paborito ko ‘yung sa dancers. Kayang-kaya nilang mag-bend at mag-contort ng katawan nila, kaya pinahawak ko sila sa sahig,” natatawang chika pa ng veteran comedian.

Ang pagho-host ni Bitoy sa “Family Feud” ay dagdag sa kanyang punong-puno nang schedule sa GMA. 

Bukod sa hit game show na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, patuloy din siyang nagbibigay-aliw at nagpapatawa sa mga Kapuso viewers sa mga paboritong programa na “Pepito Manaloto” tuwing Sabado at “Bubble Gang” tuwing Linggo.

Huwag palampasin ang O-BER saya, tawanan, at kapana-panabik na family showdowns ngayong BER months kasama si Michael V. sa “Family Feud”, tuwing weekdays, alas-5:35 ng hapon sa GMA at via livestream sa Kapuso Stream.

The post Michael V papalit kay Dingdong Dantes bilang host ng ‘Family Feud’ appeared first on Bandera.

Source link