Kira Balinger nakaladkad sa JM-Fyang blind item: Afam type ko 

Kira Balinger nakaladkad sa JM-Fyang blind item: Afam type ko 

Kira Balinger, JM Ibarra at Fyang Smith

NADAMAY ang Kapamilya actress at former “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” housemate na si Kira Balinger sa isang blind item.

May konek ito sa isang female celebrity na nagyaya umano sa isang leading man na pumunta sa kanyang hotel room.

Marami kasi ang humula sa nasabing blind item at binanggit ang name ni Kira na mariin namang pinabulaanan ng dalaga 

Sa kanyang Instagram story, ni-repost ni Kira ang official statement ng “Team Kira” kung saan dinenay nga ang naturang akusasyon.

Mababasa sa statement, “To end the unwarranted harassment, false accusations, and baseless speculations immediately: it was NOT Kira Balinger.

“In respect to all the artists involved, their management, and their respective fanbases, we don’t be dropping any names or adding fuel to the fire. 

“But we will not stand by while Kira’s name is dragged into false claims,” ang bahagi ng opisyal na pahayag ng Team Kira.

Nanawagan din ang kampo ng aktres sa madlang pipol na ugaliing mag-fact-check muna bago mag-post sa social media ng mga sensitibo at malilisyosong espekulasyon.

Baka Bet Mo: JM Ibarra na-pressure bilang ‘Unacknowledged Nepo Baby’: It’s a social issue

“It’s already 2026, so we encourage everyone to be more responsible and do fact-check before making damaging assumptions online.

“If you have watched the full video, both the host and the guests specifically emphasized not to make assumptions since no names were ever dropped.

“Let’s create a healthier digital space for all fandoms.”

Ang mababasa naman sa caption ng ini-repost ni Kira ay, “Afam po ang type ko (heart emoji).”

Kung matatandaan, sa guesting ng magka-loveteam na sina JM Ibarra at Fyang Smith sa second episose ng “Gandang Gabi Vice” noong September 20 ay meron silang pa-blind item.

Sa segment na “Deep Truth”, kinumpirma ni Fyang na totoo ang chikang may isang babaeng nagyaya kay JM sa isang event para umakyat sa kwarto nito. 

“Anong sinabi mo nu’ng sabi niya, ‘Akyat ka sa kwarto ko?’” tanong ni Vice Ganda kay JM na sumagot naman ng, “Nagngiti na lang ako kasi baka magmukhang wala akong respeto, e. English ‘yon, e.”

“Englishera kasi siya,” pagsingit naman ni Fyang.

Sey pa ni Fyang, nangyari umano ito sa Star Magic Ball at isa ring aktres sa ABS-CBN.

Reaksyon naman ni Vice sa rebelasyon ni Fyang, “Ang taray mo rin talaga, ‘no? Very secured ka.”

Tugon ng aktres, “Yeah, kasi alam ko rin namang hindi siya aakyat.”

Panunukso pa niya sa aktres na nagtangkang paakyatin si JM sa kuwarto nito, “Sabi ko sa yo, girl, e. Di ba, at least, nice try.”

The post Kira Balinger nakaladkad sa JM-Fyang blind item: Afam type ko  appeared first on Bandera.

Source link