Hugot ng misis ni Carlos Agassi: Hindi naman jowa pero naghalungkat ng past 

Hugot ng misis ni Carlos Agassi: Hindi naman jowa pero naghalungkat ng past 

Shanaia Gomez, Carlos Agassi at Sarina Agassi

PINAGPIYESTAHAN ng mga Marites sa social media ang tila pa-shade at patutsada ng misis ng aktor na si Carlos Agassi na si Sarina Agassi.

Feeling ng mga netizens, may pinariringgan si Sarina sa paghahanap niya ng mga bagong “screenshot” para may “pag-awayan” daw sila ng kanyang mister na si Carlos.

Mababasa sa Facebook post ni Sarina, “Wala bang latest screenshot? Like 2026? 

“Para may pag-awayan naman kami ng asawa ko. Masyado na kaming masaya,” hirit pa ni Sarina.

Walang binanggit na pangalan ang wifey ni Carlos pero naniniwala ang mga nakabasa nito na pasaring ito sa dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Shanaia Gomez.

Sa isang hiwalay na post ni Sarina, nagpatuloy ang pambebengga niya sa isang taong mahilig maghalungkat ng past.

“Ibang klase din talaga ang mga babae. Kahit 10 years ago nahahalungkat pa. 

“Pero mas malupit yung hindi naman jowa pero naghahalungkat ng past,” ang hirit ni Sarina sa kanyang Facebook post.

Nag-ugat ito matapos ibandera ni Shanaia ang tungkol sa isang male celebrity na feeling niya ay dumidiskarte sa kanya kahit 14-anyos pa lang siya that time.

Baka Bet Mo: Carlos Agassi bumwelta sa ‘clout chaser’: Na-inlove ka agad?

Nag-post pa ang Kapamilya actress ng mga screenshots ng conversation daw nila sa social media, kung saan paulit-ulit daw siyang tinatanong ng male celebrity kung saan siya nakatira, kung meron na siyang dyowa at kung kailan sila pwedeng mag-meet.

Hindi binanggit ni Shanaia ang identity ng male celebrity pero nagbigay siya ng ilang clue hinggil dito at isa nga sa mga pangalang binanggit ng netizens ay si Carlos Agassi. 

Maraming nag-tag sa social media kina Carlos at Sarina at nangungulit tungkol sa pa-blind item ni Shanaia kaya naman nag-post din ang mag-asawa sa Facebook na sinasabing resbak nila sa dating housemate ni Big Brother.

Sabi ni Carlos sa kanyang video, “Hi, idol. Sobrang sikat ka talaga at trending. Isipin mo, single ka noong 2017, 2018 na puwede kang makipag-date, makipag-message kahit kanino.

“Sobrang bait mo sa fans mo, pinagbibigyan mo. Nilalabas ‘yong conversations n’yo. E ngayon 2026 na, happily married ka na. Family man ka na. Kumbaga, sobrang bait at loyal mo sa asawa mo,” ani Carlos.

Pinagtatawanan na nga lang daw nilang mag-asawa ang mga nangyayari.

Sey ni ng hunk actor, “Siya ‘yong may hawak ng phone ko. Siya ang nagre-reply sa lahat ng nagme-message, especially sa mga inquiry sa work. Or kahit sino, lalo na kung babae o bading.”

Idinaan na lang niya sa isang rap ang kanyang mensahe para sa naturang isyu.

“Tok! Tok! Tok! Ang daming p*kpok! HA-HA-HA. Mga pasikat sa social media. L-O-V-E kami ay sobrang saya. Eight years na, kasal na. Inggit ka, pasikat ka!” pagra-rap ni Carlo.

Hirit pa niya, “Akala mo ang ganda mo. ‘Pag wala kang talent, ‘di ka manlang sumikat. Talagang laos ka na. Hindi kami pumapatol sa mas mababa sa amin para lang sumikat. 

“Ginagamit mo pangalan ko para sumikat. Kaya ayan nagagalit asawa ko na sobrang selosa. Lagot ka talaga sa kanya. Ratatatat ang bunganga niya.”

The post Hugot ng misis ni Carlos Agassi: Hindi naman jowa pero naghalungkat ng past  appeared first on Bandera.

Source link