INILAHAD ng Kapuso multi-awarded comedian na si Michael V. ang kanyang dahilan kung bakit sa ngayon ay bihira na lamang siyang maglabas ng kanyang mga parody songs.
Sa kanyang naging guest appearance sa 1000th episode ng ‘The Koolpals’, ibinahagi ng Kapuso star na medyo mahirap na siyang mag-parody ng mga sikat na kanta ngayon.
“Dati walang problema,” panimula ni Bitoy.
Pagpapatuloy niya, “There was a time na ang lumalapit pa ‘yung mga record companies na parang, ‘Uy, i-spoof n’yo naman ‘yung kanta namin, i-parody n’yo naman ‘yung kanta namin. Napakadali talaga!”
Baka Bet Mo: Michael V nangako kay Dingdong na aalagaan ang ‘Family Feud’
View this post on Instagram
Chika pa ni Bitoy, may pagkakkataon pa noon na hindi na kumukuha ng lisensya gaya ng TVJ at gagawa lang ng parody.
Pero dahil nga sa mga naging makabagong restrictions ngayong panahon ay nabawasan na ang naging interes niya sa paggawa ng parody versions ng mga kilalang kanta.
Sey ni Michael V, “Pero ngayon, nagkaroon na ng ganun. Lumalapit na ‘yung music companies sa inyo. ‘Tapos, biglang naging mahigpit na kailangan kumuha na ng permit. ‘Tapos, later on kailangan mo na magbayad.
“So, parang dun na ako unti-unti nawawalan ng gana, kasi hindi mo na magawa ‘yung gusto mo.”
May pa-bonus pang chika si Bitoy sa mahakagang parte ng kanyang kasama sa “Bubble Gang” na si Diego Llorico, na isa rin associate producer ng gag show ang nag-asikaso ng permit sa tuwing may gagawin silang parody sa kanilang show.
“At ang nagaasikaso niyan si Diego. So, nai-imagine mo [mimics Diego’s voice] ‘Puwede ba mag-parody niito?’ Paano mo seseryosohin?” nakakaaliw niyang kuwento.
Nitong September 20, muling naglabas si Michael V ng parody song na “Eh Kulang”, mula sa kantang “Ikaw Lang” ng Nobita.
The post Michael V hirap na sa paggawa ng mga parody songs dahil… appeared first on Bandera.
