ITINIGIL na ang deliberasyon sa plenaryo ng Kamara ng panukalang P785.2 milyong pondo ng Office of the Vice President (OVP) sa susunod na taon.
Wala ng mambabatas na nagtanong o tumutol kaya’t nag-mosyon na si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na tapusin na ang deliberasyon dahil hindi na rin kinuwestiyon ng minority bloc ang plano ng OVP sa hinihinging pondo.
Ang hinihingi na pondo ng opisina ni Vice President Sara Duterte para sa 2027 ay mababa pa ng 11.7 porsiyento sa kanilang P889.236 milyong pondo ngayon taon.
Si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez ang kumatawan sa OVP at sumagot sa mga tanong ng mga mambabatas nang tinakalay ang pondo sa komite.
The post Deliberasyon sa P785.2-M 2027 budget ni VP Sara tinapos ng Kamara appeared first on Bandera.
