Korina Sanchez sa Davao: Parang sinauna pa rin, napag-iwanan

Korina Sanchez sa Davao: Parang sinauna pa rin, napag-iwanan

Korina Sanchez

HOT topic ngayon ang naging pahayag ng veteran broadcast journalist at news anchor na si Korina Sanchez-Roxas hinggil sa sitwasyon ngayon sa ilang bahagi ng Davao.

Napag-usapan sa programa ni Korina sa Bilyonaryo News Channel kasama ang co-anchor na si Willard Cheng ang tungkol sa development spending sa Mindanao.

Ayon sa dalawang broadcaster sa kabila raw ng malaking pondo na inilaan ng pamahalaan sa Mindanao, bakit may mga community pa ring napag-iiwanan.

“Alam na natin ‘yan. ‘Di ba, parang kung gugustuhin mo lang talaga maraming paraan, and again hindi mo masasabing walang pera ang Pilipinas kasi ang laki nga ng halaga ng nananakaw,” ang pahayag ni Korina.

Sabi naman ni Willard, “Naalala ko pa Korina at one point, napakataas ng pag-asa o level of hope sa Mindanao kasi at one point ang Presidente, Senate President at House Speaker taga-Mindanao.”

Nagbigay din si Korina ng kanyang obserbasyon nang minsang bumisita siya sa Davao. 

Nagulat daw siya nang makita ang kalagayan ng ilang lugar sa naturang probinsiya na parang walang pagbabago makalipas ang mahabang panahon.

“Pumunta nga ako ng Davao eh. Sabi ko, ‘Ito na ba yun? Bakit parang ano… ako lang po ito ah… parang sinauna pa rin.’ Kasi nagre-reporter na ako noong 80’s, 90’s doon.

Baka Bet Mo: Korina Sanchez: Mas kasalanan ba ng tao ang flooding problem natin o ng gobyerno?

“Parang ganoon pa rin kung hindi lang dahil sa ilang mga hub because of Ayala or because of Megaworld, ganyan.

“Hindi mo makikita sa iba pang mga lugar ang progreso. Ganoon pa rin, napag-iwanan,” ang sey pa ni Korina.

Narito naman ang mga reaksyon ng mga netizen sa naging pahayag ng batikang broadcast journalist:

“Parang may shade?! Or ako lang yun? Pero may bahid ng truth! Charuth!”

“Nagpapansin yata si Korina.”

“May K si K mag give ng kanyang truth, feeling ko wala namang political color yarn!”

“Opppssss sakit naman nyan madam Koring.”

“Wake up, Korina!”

“Aguy! BULL’S EYE!”

The post Korina Sanchez sa Davao: Parang sinauna pa rin, napag-iwanan appeared first on Bandera.

Source link