NAGING daan ang teatro para sa mga batang performers tulad nina Benedix Ramos, Omar Uddin, at Angela Ken para mas lalo pang mahubog ang kanilang talento sa entablado.
Para kay Omar, ang maging bahagi ng “The Notebook: The Musical” ang susi para mas pag-isipan pa ang mga role na gusto niyang kunin sa hinaharap.
Nang tanungin tungkol sa kanyang dream roles at mga artistang nais makatrabaho, ibinahagi niyang gusto niyang subukang gampanan ang character ni Old Noah.
“Ngayong nasa Notebook na ako, I would want to play middle Noah or older Noah, give me like 20-30 years,” sey ni Omar.
Para naman kay Benedix, importanteng bigyan ng halaga, maging open at present sa paghahanda para sa isang theater role.
“In order for you to prepare yourself, you have to be open talaga eh. You don’t really have to stick to what you have written in your notes, what you have rehearsed.
“It’s the surprise on stage that you allow in order for you to feel the ground, to feel the moment,” saad ni Benedix.
Dahil sa kapana-panabik na performances at timeless love story, patuloy na hinahangaan ng mga theatergoer ang “The Notebook: The Musical”.
Ang koneksyon naman sa audience ang isa sa mga dahilan kung bakit nagiging meaningful kay Angela Ken ang magperform on stage.
Para sa kanya, mahalaga na makita ang reaksyon ng mga manonood nang real-time.
Baka Bet Mo: Shanaia Gomez binalak pormahan ng male celeb noong 14-anyos siya
“That fulfills my heart kasi ‘yun po ‘yung purpose ng ginagawa ko is for them to know na they are not alone and at the same time we are here for a reason.
“Our voices are instruments for those people na hindi naririnig ‘yung boses nila,” pagbabahagi ni Angela.
Abangan ang first solo concert ni Angela Ken sa October 18, 2026, 7 P.M., sa New Frontier Theater.
Sa concert na ito, mas maipapakita ni Angela ang kanyang artistry bilang singer at performer.
Sa pamamagitan ng kani-kanilang mga karanasan sa stage, mas ipinapakita nina Benedix, Omar, at Angela ang kanilang personal growth at meaningful connection sa kanilang audience.
The post Angela Ken, Benedix Ramos, Omar Uddin kanya-kanyang pasabog! appeared first on Bandera.
