ANG saya ng naganap na media launch para sa pinakabagong pasabog at paandar ng Viva Entertainment, ang “Vivaoke.”
Ito na ang magiging bagong tambayan ng mga kababayan nating adik na adik sa pagkanta sa karaoke.
Inilunsad kamakailan ang Vivaoke, isang karaoke app na packed with OPM songs—from classic hits hanggang sa mga kantang patok ngayon. So now, pwede ka nang mag-karaoke anytime, anywhere!
Para sa maraming Pinoy, hindi lang simpleng pastime ang karaoke. Parte na ito ng celebrations, reunions, at kahit ordinaryong bonding kasama ang pamilya at barkada.
Ngayon, mas madali nang dalhin ang ganitong experience kahit saan through Vivaoke, na nakatutok sa Original Pilipino Music (OPM).
Sa halip na maghintay ng videoke night o humanap ng karaoke machine, puwedeng mag-open na lang ng Vivaoke app at piliin ang kantang gusto mong awitin.
May extensive collection ng OPM songs ang app, mula sa classic hits through the years hanggang sa mga bagong kantang patok sa music scene ngayon.
Kabilang sa mga available na kanta ang “Bongga Ka ‘Day” ng Hotdog, “Bituing Walang Ningning” ni Sharon Cuneta, “Tala” ni Sarah Geronimo, at “Hanap-Hanap” nina James Reid at Nadine Lustre.
Baka Bet Mo: True ba, Sarah Geronimo may ‘sumpa’ kaya hindi nagkakaanak?
Para naman sa mga gustong makasabay sa mga current hits, puwede ring kantahin ang “Sa Bawat Sandali” ni Amiel Sol, “Miss Miss” ni Rob Deniel, “Tibok” ni Earl Agustin, “Libu-Libong Buwan (Uuwian)” ni Kyle Raphael, “Panaginip” ni nicole, “Multo” ng Cup of Joe, at “Isa Lang” ni Arthur Nery.
Hindi rin kailangang matapos sa simpleng pagkanta ang session. Puwedeng i-record ng users ang kanilang performances, i-save ang mga ito sa kanilang devices, at i-share sa social media.
May in-app scoring system din ang Vivaoke kung saan makikita ng singers ang kanilang score habang kumakanta.
Perfect ito para sa mga mahilig i-challenge ang sarili o makipag-compete sa friends pagdating sa kantahan.
For those who want to try the app, available ang Vivaoke sa subscription plans na ginawa para maging accessible ang OPM karaoke sa mas maraming users.
Developed by Viva Communications, Inc., together with the Viva Music Group, ang Vivaoke ang pinakabagong digital offering ng Viva, kasunod ng streaming platforms nitong Viva One, VMX, at Viva Movie Box.
At dahil ang karaoke ay isa sa mga go-to bonding activities ng maraming Pinoy, puwedeng maging bagong tambayan ng OPM lovers ang Vivaoke para sa kanilang next karaoke session.
Available ang Vivaoke sa App Store at Google Play. Maaari ring bisitahin ang www.vivaoke.ph for more information.
The post Hits nina Sharon, Sarah G, Arthur Nery, Cup of Jose nasa Vivaoke na appeared first on Bandera.
