AMINADO si “Pinoy Big Brother Gen 11” Big Winner Fyang Smith na may mga pagkakataong sumasablay din ang kanyang utak niya.
In fairness, pak na pak ang guesting ni Fyang at ng screen partner niyang si JM Ibarra sa second episode ng pagbabalik ng “Gandang Gabi Vice” sa telebisyon last Sunday, September 20.
Sa isang bahagi ng programa, binigyan ni Vice Ganda ng challenge si Fyang – paano niya sasagutin ang mga kanegahang tweet abour her sa sweet at mahinahon na paraan.
Ilan sa mga tweet na binasa kay Fyang ay ang pagtawag sa kanya ng mga haters sa social media ng “bobita,” “talentless,” at “magaspang.”
Sey ni Fyang, “I think the bobita part, yeah, I know, sometimes I am. I’m not gonna deny it. I’m bobita rin sometimes. Because sometimes, I don’t have tulog. Busy sa work.
“And the talentless, no. I’m not talentless. I can dance,” hirit pa ng Kapamilya star.
Ilang beses nang nalalagay sa alanganin si Fyang dahil sa style ng pagsasalita, pag-asta nang hindi tama at pagsagot niya ng pabalang sa mga isyung ibinabato sa kanya.
Isa na riyan ang pagkalat ng video clip kung saan mapapanood na pinapahiran niya ng laway ang kapwa housemate niya sa “PBB Gen 11” na si Dingdong Bahan.
Baka Bet Mo: JM Ibarra tuloy pa rin panliligaw kay Fyang: Hindi ko naman minamadali
Binanatan din siya ng netizens dahil sa pagyayabang daw niya nang mag-dialogue na wala raw makakatalo sa batch nila sa “PBB.”
Pero sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nilinaw niya ang naturang isyu, “Tito Ogs, nu’ng sinabi ko ‘yun, wala pa pong PBB Collab. Happy and super proud ako sa batch namin. Siguro, naging mali lang ‘yung dating nu’ng mga tao kasi spliced video siya,” esplika ni Fyang.
The post Fyang Smith may bobita moments: Sometimes, I don’t have tulog appeared first on Bandera.
