Gun attack sa Sultan Kudarat school na-post sa socmed, napigilan ng guro

Gun attack sa Sultan Kudarat school na-post sa socmed, napigilan ng guro

DAHIL sa isang guro, pinaniniwalaang napigilan ang panibagong insidente ng pamamaril sa isang pampublikong eskwelahan kaninang umaga.

Base sa ulat sa Camp Crame, isinumbong ng isang Grade 8 teacher ng Kapingkong National High School sa Tacurong City sa Sultan Kudarat sa lokal na pulisya ang social media post ng isang 13-anyos na estudyante.

Sa social media post, nagbanta ang estudyante ng pag-atake at pamamaril sa kanilang paaralan at nag-post din ito ng larawan ng mga baril.

Baka Bet Mo: 3 estudyante patay, 6 sugatan sa pamamaril sa school sa South Cotabato

Dakong ala-1:20 ng madaling araw, natunton ng mga pulis ang bahay ng estudyante sa Barangay Matiompong sa bayan ng Lambayong at naka-usap ng mga awtoridad ang magulang nito kaugnay sa kanyang social media post.

Sinabi ni Police Maj. Jayson Ortega,  ang hepe Lambayong Municipal Police Station, na unang dinala sa barangay hall ang estudyante kasama ang kanyang mga magulang at ipinaliwanag sa kanila ang insidente.

Pinauwi din ang estudyante kasama ang kanyang mga magulang sa rekomendasyon ng social workers.

The post Gun attack sa Sultan Kudarat school na-post sa socmed, napigilan ng guro appeared first on Bandera.

Source link