HINDI pa rin makapaniwala ang award-winning Kapuso actress-dancer na si Rochelle Pangilinan na nakabalik siya sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga”.
Isang dream come true para kay Rochelle ang makapag-perform uli sa “Eat Bulaga” stage kasama ang iba pang miyembro ng iconic group nilang SexBomb Girls.
Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Rochelle ang short video clip ng inabangan at trending na guesting nila sa “Eat Bulaga” recently.
Kasama rin nila sa video ang isa sa original Dabarkads at comedy icon na si Bossing Vic Sotto na nakiindak din sa pagsasayaw at pagkanta ng SexBomb.
“Ang Nostalgia nito!!
Ang mga MamaMama atake sa @eatbulaga1979. Sa wakasssss!! Wohoooooo!!!
“Maraming salamat, Eat Bulaga family!” ang bahagi ng caption ni Rochelle sa kanyang post.
Pagpapatuloy niya, “Wala na yatang Pilipino na hindi nakakaalam na dito nagsimula ang SexBomb.
Baka Bet Mo: Rochelle Pangilinan nagsalita na sa ‘away’ daw nila ni Jopay Paguia
“Paulit-ulit man naming kuwento, proud na proud kami—dahil dito nagsimula ang lahat.
“Kung may mga ‘Pinalaki ng SexBomb,’ kami naman ay mga batang pinalaki, pinatatag, at tinulungan ng Eat Bulaga na mangarap, lumaban, at makaahon sa buhay.
“Kaya kahit ilang beses pa namin itong sabihin, hindi kami magsasawang magpasalamat.
“At kung bibigyan muli ng pagkakataon, sa dami man ng nangyari, babalik at babalik kami.
“Maraming, maraming salamat, Eat Bulaga. Parte kayo ng kung sino at kung ano kami ngayon.
“Maraming salamat po sa GMA!” ang post pa ni Rochelle kasunod ang pagbanggit sa mga GMA executives.
Pahabol na message pa ni SexBomb Rochelle, “Salamat sa aming choregrapher na si @aironjazz sa walang sawa at walang kapaguran na pag support sa amin..
“Ginawa nyo pong possible ang akala ko po ay impossible!
“To God be the glory!”
Marami naman ang nagsabing na-touch at naiyak sila nang mapanood uli ang SexBomb sa “Eat Bulaga.” Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa post ni Rochelle.
“Bait ng GMA pinayagan si Rochelle na makabalik sa dati niyang tahanan ang Eat Bulaga… Di siya nakalimot na lumingon kung saan cya nagsimula.”
“Hanga din ako dito kay Mia. Laging present tas walang issue sa katawan. Very professional.”
“Sarap nio panupdin, bumalik ako sa pagkabata… nun panahon, wala pang cellphone.. nakatutok kami sa inio kakapanood.”
“Nakakaiyak kanina.. Bata pa ako nung biglang nawala ang Sexbomb sa EB. ang saya lang na makita ulit sila na sumasayaw sa EB. Galing mo talaga Rochelle Pangilinan, ang gagaling ng Sexbomb!!”
“Super inabangan qo un eat Bulaga kanina nakaka throwback lahat simula nung nag uumpisa pa lng kau sa eat Bulaga hanggan sa nakilala na kau bilang female group dancers, at after Ilan year eto ulet kau napaka nostalgia tlga. We luv u all SB girls.”
“Yung akoy natulo ang luha Ms Rochelle Pangilinan isa ako sa mga fans mo nung araw gang ngayon.. IKAW ang inaabangan ko lagi pag me guesting ang SB sa EB.”
“GRABEEEE nkkamiss kau sa Eat Bulaga SB girls w/ Ms. Rochelle Pangilinan !! nkakamissss ka makita sa EB STAGE huhuhu!!! Nostalgic tlgaaa!! GRABEHH, prang mga hindi nag sitandaan lang eh no buong sB Girls hihihi solid pa rn mga sumayaw!!”
“Parang pamilya lang na nawaglit ng ilang taon tapos ngayon lang ulit nabuo. Ang saya at sarap ninyong panuorin Sexbomb sa eat bulaga. Bumabalik lahat ng masasayang alaala nang nakalipas.”
The post Rochelle Pangilinan pinalaki ng Eat Bulaga: Babalik at babalik kami! appeared first on Bandera.
