Kim Chiu walang balak iatras mga kaso laban kay Lakambini?!

Kim Chiu walang balak iatras mga kaso laban kay Lakambini?!

Kim Chiu at Lakambini Chiu

TOTOO nga kaya ang nakarating sa aming chika na walang planong makipag-ayos si Kim Chiu para sa mga kasong isinampa niya laban sa kapatid na si Lakambini Chiu?

Ito’y matapos ang ginawang pag-aresto ng mga operatiba ng Quezon City Police kay Lakam nitong nagdaang weekend sa Mandaluyong City para sa kasong multiple counts of qualified theft.

Ayon sa ulat ng pulisya, nahuli ang kapatid ni Kim alas-4:06 ng hapon sa Brgy. Wack Wack sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84.

Kailangang magbayad ng piyansang nagkakahalaga ng P5,838,000 si Lakam para sa pansamantala niyang kalayaan.

Pahayag ni Kamuning Police Station Commander PLt. Col. Aljun Belista, “Ang aming station po ay nakatanggap ng information report. 

“Then, vinalidate po namin yun. Nag-conduct kami ng surveillance doon sa area mismo kung saan sinasabi doon sa report,” ani Belista. 

“And true enough, nu’ng na-validate namin and nandu’n po siya. So, nu’ng nakita namin siya, sinerve namin yung warrant sa kanya,” sabi ng opisyal.

Matatandaang nagsampa ng qualified theft si Kim laban sa kanyang kapatid noong December, 2025 “after financial discrepancies were discovered in their business.”

Ayon sa inilabas na resolusyon ng Office of the City Prosecutor, nakakita sila ng “sufficient grounds” para kasuhan sa korte si Lakambini ng 124 counts of qualified theft.

Baka Bet Mo: Lakam wish na magkakaayos pa sila ni Kim Chiu sa kabila ng mga kaso

Sa isang official statement na inilabas ni Kim matapos magsampa ng kaso, inamin niyang hindi naging madali para sa kanya ang kanyang desisyon 

“It is one of the most painful steps I have ever taken in my life,” saad ni Kim.

Kinumpirma naman ng pulisya  na nakakulong na si Lakambini Kamuning Police Station custodial facility habang hinihintay ang formal commitment order mula sa korte.

Ang mga kasong kinakaharap ni Lakam ay nag-ugat sa mga reklamong isinampa ng The House of LittleBunny Philippines, Inc. (HOLB), kung saan isa si Kim sa mga shareholder.

Sa official statement ng LEaP Legal and Technical Consultancy (Lilagan Law Office), nabanggit ni Atty. Margrein Archernar M. Gregana na ang kaso ay “strictly a corporate matter rather than a personal dispute.”

“The charges involve corporate funds that were unlawfully taken. These actions were taken strictly by HOLB… to recover the company’s missing funds and ensure accountability among those involved,” aniya.

Dagdag pa ng abogado, “To date, neither Lakambini Chiu, her representatives, nor her legal counsel have made any genuine, good-faith effort to reach out to the officers or legal counsel of The House of LittleBunny Philippines, Inc. or Ms. Kim Chiu. Statements circulating to the contrary on social media are inaccurate.”

Samantala, may isang source na nakapagsabi sa BANDERA na sa ngayon ay walang balak si Kim na iatras ang demanda laban sa kapatid.

Pero sabi ng aming kausap, depende pa rin ito sa kung ano ang mangyayari in the future dahil naniniwala pa rin siya sa kasabihang “blood is thicker than water.” 

At tulad nga ng sinabi ni Atty. Dominic Solis, ang legal counsel ni Lakambini Chiu, umaasa pa rin sila na maaayos ang kaso pagdating ng tamang panahon.

“Our client is saddened by her sister’s decision to pursue the case but remains hopeful that the matter can still be resolved amicably within the family. She will address the charges through the proper legal process,” ani Atty. Solis.

The post Kim Chiu walang balak iatras mga kaso laban kay Lakambini?! appeared first on Bandera.

Source link