Rica Peralejo may hugot sa pagsali ni Lans Nagal sa PBB Collab 3.0

Rica Peralejo may hugot sa pagsali ni Lans Nagal sa PBB Collab 3.0

Rica Peralejo at Lans Nagal

NAG-REACT ang aktres na si Rica Peralejo sa natatanggap na negative comments ng VetMed content creator na si Lans Nagal sa loob ng Bahay ni Kuya.

Isa si Lans sa mga gumagawa ng ingay ngayon sa “Pinoy Big Brother Collab 3.0” and as expected hindi lahat ay pabor sa ginagawa at mga desisyon niya bilang housemate.

Naglabas ng saloobin si Rica hinggil sa naging desisyon ni Lans na pumasok sa Bahay ni Kuya kahit pa bongga na ang career niya bilang content creator. 

“Siguro po aware na siya diyan, pero mas nanaig yung will nya na e try at baka mas nag expect siya na pagsasali siya mas may malaking opportunity ang dadating, given na marami na siyang hatak na fans, baka feel niya mas dadami pa if sasali sa PBB,” bahagi ng post ni Rica sa social media. 

“Kahit naman tayo if may once in a lifetime opportunity ang dadating sa ’tin e g-grab natin at nag e-expect tayo ng magandang outcome.

“Baka ganon din siya kaso nga lang nasama siya sa circle na bully kaya lumabas pagiging bully at tsismosa nyang tinatago,” lahad pa ni Rica. 

Patuloy pa niya, “Pero kasi ayan ang nature ng show. So I think kahit sabihin na natin we should not expect too much as viewers, I think the reality is that we will. 

Baka Bet Mo: Mga ka-face ni Jeo Ong may free laptop, gym access, headphones

“Or at least majority will kasi it’s a show. It is really made to entertain and to involve the people kasi may voting aspect pa diba? So ayun haha,” sey pa ng aktres at celebrity mom.

Nauna rito, sinabi ni Rica na tinanggihan niya noon ang offer sa kanya na maging PBB celebrity housemate dahil ayaw niyang ipangalandakan sa publiko ang kanyang mga kakulangan at kapintasan.

Sey ni Rica, “Pag pumasok ka parang willing ka na makita nila ang lahat sa’yo. Kasi ako I am admittedly ka-cancel-cancel at times, I will not willingly subject myself to it.” 

“Yeah. I think early on palang I knew na between the show’s rating and my image, the network will syempre choose what benefits them. Tama lang naman as a business choice ofc. Kaya hindi mo din na mahehelp pag ganyan , mas need mo magisip for yourself talaga,” ang post pa ni Rica sa comments section ng kanyang post sa Threads. 

Mababasa sa una niyang hugot, “Sa lahat ng dumadaan sa feed ko about PBB ngayon, naisip ko talaga na thank God na humindi ako before (as in way before, dalaga pa ako nito) when I was asked to be part of the house. Siguro back then miski papano may onting wisdom ako na alam kong I would probably say or do things na macacancel ako. 

“Kasi sa totoo lang hindi naman ako 100% good thoughts. Wala naman atang ganun. At hindi naman sa itinatago ko sya pero bat ko naman ibrobroadcast din yung bad side ko. 

“Tama ng sabihin ko nalang sa inyo. Pero di ko na idedetalye pa kahit hindi ko naman wish yung maging super loved ako at magkaimage na super good ako kasi ayaw ko din ng inauthentic. But yes I think hindi naman din kailangan magpublish ng sarili mong kasamaaan to be called authentic,” saad pa ni Rica.

The post Rica Peralejo may hugot sa pagsali ni Lans Nagal sa PBB Collab 3.0 appeared first on Bandera.

Source link