Male star gwapo pero bobong umarte, sakit ng ulo ng mga direktor 

Male star gwapo pero bobong umarte, sakit ng ulo ng mga direktor 

Guess, guess who!?

NAKAKALOKA ang pasabog na chikang nakarating sa amin tungkol sa isang young actor na tila hirap na hirap magpakitang-gilas sa harap ng kamera!

Imbes na maging mabilis at maayos ang takbo ng shooting, naging doble-triple raw ang trabaho ng production team dahil sa paulit-ulit na pagkuha ng mga eksena.

Kuwento ng isang production staff, kahit ilang beses nang ipaliwanag sa young actor ang dapat niyang gawin, tila hindi pa rin nito makuha ang tamang emosyon at delivery ng mga linya.

May mga eksena pa raw na para bang hindi alam ng aktor kung paano kikilos o magre-react, kaya naman kailangan pa siyang gabayan nang gabayan ni Direk.

Imagine, ilang beses nang inuulit ang instructions pero parang walang pumapasok sa utak ng aktor!

Kaya naman ang direktor, napilitan na lang umanong magpakalunod sa pasensiya para matapos ang shooting. Talagang kinailangan daw niyang pagtiyagaan ang tila tuod na pag-arte ng young actor.

Ang problema, hindi raw natapos sa shooting ang kanilang paghihirap dahil nang ipalabas na ang pelikula, kapansin-pansin pa rin ang kawalan ng emosyon at buhay sa pagganap ng aktor.

Aray! Hindi kaya panahon na para mas seryosohin ng young actor ang pag-aaral sa pag-arte?

Sa showbiz, hindi sapat na guwapo o sikat ka. Kailangan ding patunayan mong may ibubuga ka sa harap ng kamera!

* * *

Handa nang simulan ng OPM hitmaker na si Maki ang mas makulay na yugto ng kanyang karera sa pagpirma niya muli ng kontrata sa ABS-CBN Music, na magbubukas ng pinto sa bagong musika, concert sa loob at labas ng bansa, at iba pang kapana-panabik na mga proyekto.

Sa ginanap na “Into the White: A Space for Everything Yet to Come” contract signing at trade launch, inanunsyo ng Kapamilya singer-songwriter ang mga aabangan sa kanya sa taong 2027, kasama na ang upcoming EP na “KOLORCOASTER Shades” at deluxe album na tatawaging “KOLORCOASTER Hue.”

Nagpasalamat din ang Tarsier Records artist sa tiwalang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN at pagbigay lakas ng loob na abutin ang kanyang mga pangarap.

“Thank you so much for all the love. Do’n naman talaga nag-start lahat, my love for music. These people came around in my life, who trusted me and gave me confidence to pursue what’s in my heart. 

Baka Bet Mo: Gian Bernardino ng Cup of Joe inamin ‘feelings’ para kay Maki

“Thank you so much, ABS-CBN Music family, for making my dreams into a reality. Kumbaga, nasulat ko na, na-sketch ko na ang drawing, kinulayan niyo pa,” ani Maki.

Kasama sa contract signing na naganap sina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, head ng ABS-CBN Music and Integrated Events na si Roxy Liquigan, ABS-CBN Music creatives, content and operations head Jonathan Manalo, at si Tarsier Records label head at One Music Management OIC Marey Garcia.

“We love Maki. Five years ago we met him. No’ng nakita pa lang namin siya, we knew he was for ABS-CBN Music,” ani Roxy. 

“He’s so talented, a very good composer, songwriter, and ang maganda sa kanya, he’s very emotional, that’s why he’s writing great songs. We have so many plans for him, concerts, tours, and albums.”

Magpapatuloy ang “KOLORCOASTER” world tour ni Maki sa susunod na taon na tutungo sa Auckland, New Zealand at sa Sydney, Melbourne, at Perth sa Australia sa Abril. Magkakaroon din ng US at Canada legs ang kanyang concert.

Inanunsyo rin niya ang gagawing major concert na “KOLORCOASTER: One Last Ride” kasunod ng sold-out na “KOLORCOASTER” at “KOLORCOASTER: One More Ride” shows.

Bukod sa musika, aabangan din kay Maki ang lifestyle store na “Kilala.” Kasasabikan din ng fans ni Maki, na tinawag na Zushis, ang bagong collectible sa ilalim ng Kimerch, pati na rin ang official lightstick na tatawaging Taladorki.

Samantala, ginawaran naman ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) si Maki ng anim na awards sa nasabing event: Platinum Record award para sa awiting “Namumula,” Double Platinum Record award para sa “Kahel na Langit,” Triple Platinum Record award para sa “Saan?,” Gold EP award para sa “Tanong,” Gold Album award para sa “KOLORCOASTER,” at Diamond Record award para sa awiting “Dilaw.”

Nagsilbing pagkakataon din ang “Into the White” event para handugan ni Maki ang media at trade partners ng live performance niya ng mga awiting “Abelyana,” “Kahel na Langit,” “luck,” “Habangbuhay Pansamantala,” at “Dilaw.”

The post Male star gwapo pero bobong umarte, sakit ng ulo ng mga direktor  appeared first on Bandera.

Source link