HANDA naman daw ang premyadong aktres na si Lotlot de Leon sakaling maging lola sa anak nina Janine Gutierrez at Jericho Rosales.
Suportado ni Lotlot ang relasyon ng kanyang anak kay Echo at wala naman daw siyang nakikitang hindi maganda o red flags sa aktor.
Ayon sa seasoned actress, nasa tamang edad na naman si Janine para magdesisyon para sa kanyang sarili, kabilang na riyan ang pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya.
“Eh, di good. Kung saan sila masaya. Siyempre, desisyon naman nila ‘yan, desisyon ng mga anak ko, who want to be with,” ang pahayag ni Lotlot.
“Kung anong buhay ang gusto nilang tahakin,” aniya pa. Wala rin daw siyang maibibigay na advice for now, “Let’s just cross the bridge when we get there.
“We really don’t talk about it. Or anything. All focus on their career. May sari-sarili na silang buhay. They’re doing good. I’m just here as their mom,” pahayag pa ng aktres.
“And siguro sila na lang ang tanungin n’yo, kasi sa kanila yun, e,” sey ni Lotlot.
Baka Bet Mo: Lotlot de Leon bet na bet si Jericho para kay Janine: ‘A wonderful man’
At sa tanong kung aprub sa kanya si Jericho bilang partner ni Janine, “Kung sino naman ang mahal ng mga anak ko, di ba?
“Wala na naman akong sey na du’n, sila yun, kanila yun,” ani Balot (palayaw ng aktres).
Sa isang panayam, nasabi na rin ng aktres na hindi na siya magugulat kapag nagsabi sa kanya si Janine na magpapakasal na.
“Alam mo, my daughter is of age. Hindi na rin kailangan mag paalam sa akin ni Janine. Kung ano man ang desisyon ng anak ko, I’d like to think I raised my daughter with the good heart. Hopefully, she makes the best decision for herself and I trust her very much.
“Handa ako. Handa na ako doon, matagal na. But as I said, yung mga anak ko, wala na akong baby eh, kahit yung youngest ko si Maxine, she’s 26 already,” saad ni Lotlot.
The post Lotlot de Leon ready nang maging lola sa magiging anak nina Janine at Jericho appeared first on Bandera.
