Alex Gonzaga hirap sa pagiging padede mom: Ok lang para sa anak!

Alex Gonzaga hirap sa pagiging padede mom: Ok lang para sa anak!

IBINAHAGI ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang kanyang struggle sa pagiging padede mom sa panganay na si Baby Isaac.

Sa kanyang Instagram post, ikinuwento niya ng isang linggong na silant hirap sa pagpapa-breastfeed.

“1 week kami lagi struggle para makadede ulit sya… kagabi sa inis nya kinagat pa twice [crying emoji],” saad ni Alex.

Labis naman ang kanyang pasasalamat matapos na mag-work ang kanyang attempt na muling i-breastfeed si Baby Isaac.

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga: I’m so happy to be a mommy kahit walang ligo

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Thank you Lord, while Isaac is sleeping now I calmy gave him my breast and he latched!!! Walang drama at iyakan,” kuwento pa ni Isaac.

Ngunit makalipas raw ang kalahating oras ay tila naging pacifier na ang kanyang dede.

“kaso pa-30mins na ginawa ng pacifier naman dede ko but ok lang basta para sa anak!!!” hirit pa ni Alex.

Ngunit sa halip na ma-discourage ay itinuring pa rin itong blessing ng vlogger na nakapag-latch nang muli ang anak.

Marami naman ang nagpakita ng suporta kay Alex sa journey niya bilang padede mom.

“Galing galing mong mama,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Thank you Ms Alex, narealize ko na hindi lang pala ako ang nakaka experience nito. kapit lang.”

“Proud ako sayo, breastfeeding mom Alex!” hirit naman ng isa.

The post Alex Gonzaga hirap sa pagiging padede mom: Ok lang para sa anak! appeared first on Bandera.



Source link