Vilma Santos sa isyu ng National Artist: If it’s for you, it’s for you

Vilma Santos sa isyu ng National Artist: If it’s for you, it’s for you

Vilma Santos

SINAGOT na ni Star for all Seasons Vilma Santos ang isyu sa pang-iisnab sa kanya para maging National Artist.

Naging mainit na usapin sa mundo ng showbiz ang  pagligwak at hindi pagsama kay Ate Vi sa pinakabagong batch ng mga National Artist na in-announce recently. 

“Napakatagal na issue na. But at the end of the day prinsipyo ko na ever since sa buhay ay if it’s meant to be it is meant to be, if it is for you, it is for you. 

“Kung hindi ka nasasali it is fine with me,” ang pahayag ng movie icon sa talkback session ng isinagawang special screening ng pelikulang “Sister Stella L” sa Metropolitan Theater.

Patuloy ni Ate Vi, “Sa animnapu’t tatlong taon ko sa industriya, palagay ko ang naibalik sa akin ng industriya ay malaking regalo na para sa akin.

“Siguro lang, at this point in time, masyado lang naging maingay itong huling selection ng National Artist.

“But with utmost sincerity, I’d like to congratulate all our National Artists. Si Bing Lao, naging scriptwriter ko rin.

“Huwag na, masyado na… when we talk about this National Artist issue, meron lang mga nangyayari na below the belt.

Baka Bet Mo: Vilma Santos sa 62 years sa showbiz: Hindi ako natakot, I took the risk!

“Hindi na natin dapat patulan. There’s so much more in life! You get my point? There’s so much more in life,” aniya pa.

Pagpapatuloy niya, “Do not think of any negativity dahil hindi napupunta sa ‘yo. Maybe it is not meant to be. Again at the end of the day, life has to go on.”

Ang punto pa ni Ate Vi sa gitna ng isyung ito, “Wala nang ibang pwedeng magmaneho ng buhay ko. Because it is time that I enjoy life naman. Kasi lagi akong may kakumpetisyon. This time ako naman.  

“And now that I am 72, tatlo na lang priority ko. I am praying to God to take care of my family, health of the people I love, and third to protect my peace. I think yan ang pinaka-important at this point in time,” sabi pa niya.

Natanong din si Batangas Gov. Vilma Santos kung may konek kaya ang kanyang pagiging politiko sa pagligwak sa kanya sa pagiging National Artist.

“Palagay ko po hindi ko po muna ipagpapalit ang pwede ko maitulong sa totoong buhay ang pangangailangan ng ating kababayan.

“I have two years and eight months to go at kung ito ay maging sabagal sa pagiging National Artist, hayaan niyo ako magsilbi sa totoong buhay. Ako ay pinagkatiwalaan ng Batangueño ibabalik ko muna iyon,” paliwanag ng award-winning actress.

The post Vilma Santos sa isyu ng National Artist: If it’s for you, it’s for you appeared first on Bandera.

Source link