REVIEW: ‘How to Rob a Bank’ nakakaaliw na heist na puno ng sorpresa!

REVIEW: ‘How to Rob a Bank’ nakakaaliw na heist na puno ng sorpresa!

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures

KUNG akala mo ay simpleng kwento lang ng pagnanakaw sa bangko ang “How to Rob a Bank,” aba, mag-isip-isip ka muna! 

Hindi lang basta habulan ng pulis at magnanakaw ang hatid ng pelikulang ito dahil mayroon din itong kakaibang istilo ng pagkukwento, mabilisang aksyon, at mga pasabog na hindi mo basta mahuhulaan.

Napanood na ng BANDERA ang pelikula sa naganap na advanced screening sa headquarters ng Columbia Pictures Philippines at masasabi nating isa ito sa mga pelikulang sulit tutukan dahil sa kakaibang visual presentation nito. 

Mula sa unang eksena hanggang sa mga sunod-sunod na aksyon, siguradong hindi ka basta makakakurap dahil maraming nangyayari sa bawat sandali.

Baka Bet Mo: LIST: Hollywood, Bollywood stars sasakupin mga sinehan sa Nobyembre

Isa sa mga talagang nagustuhan natin sa pelikula ay ang visuals at editing style nito. 

Hindi pangkaraniwan ang pagkakagawa ng mga eksena dahil kapansin-pansin ang mabilis na cuts, creative transitions, at mga sequence na sadyang nagpapataas ng excitement. 

Hindi lang basta pampaganda ang mga ito dahil malaking tulong ang editing sa pagdadala ng kwento at pagpaparamdam ng tensyon sa bawat eksena.

Dagdag pa rito ang kwento na puno ng mga unexpected twists and turns. 

Akala mo alam mo na kung saan papunta ang istorya, pero may mga pagkakataong bigla kang mapapaisip kung ano na naman ang susunod na mangyayari. 

May halong aksyon, suspense, at humor ang pelikula kaya hindi nakakasawa ang panonood.

[EMBED:

Sa direksyon ni David Leitch, na siya ring nasa likod ng mga pelikulang “Bullet Train” at “The Fall Guy,” tampok sa “How to Rob a Bank” ang isang grupo ng tech-savvy bank robbers na hindi lang basta nagnanakaw kundi ginagawa pang livestream ang kanilang mga heist para mapanood ng dumaraming followers.

Dahil sa kanilang mga viral na pagnanakaw, mabilis silang napansin ng FBI. 

Nagsimula tuloy ang matinding habulan nang tutukan sila ng beteranong agent na si John West (John C. Reilly), kasama ang hindi inaasahang tulong ng software engineer na si Reagan Gardner (Zoë Kravitz).

Habang patuloy na lumalaki ang kanilang online audience, mas nagiging mapanganib ang bawat galaw ng grupo. 

Lalo pang tumitindi ang tensyon habang pinaghahandaan nila ang pinakamalaki at pinakamapangahas nilang pagnanakaw.

Pinangungunahan ang grupo ni Nicholas Hoult, kasama sina Anna Sawai bilang Emi, Pete Davidson bilang Vince, at Rhenzy Feliz bilang Hugo. 

Bawat isa ay may kanya-kanyang personalidad, kakayahan, at dahilan kung bakit sila napasama sa mapanganib na operasyon.

Kung mahilig ka sa mga pelikulang mabilis ang takbo ng istorya, maraming aksyon, at may mga eksenang mapapaisip ka kung ano ang susunod na mangyayari, pwedeng idagdag ang pelikulang ito sa iyong must-watch list na showing na sa mga lokal na sinehan.

The post REVIEW: ‘How to Rob a Bank’ nakakaaliw na heist na puno ng sorpresa! appeared first on Bandera.

Source link