REVIEW: ‘Gregoria Lakambini’ Pinay pop musical na empowering, witty, hitik sa aral!

REVIEW: ‘Gregoria Lakambini’ Pinay pop musical na empowering, witty, hitik sa aral!

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

HINDI kailangang maging boring ang pagbalik-tanaw sa kasaysayan! 

Pinatunayan ‘yan ng Tanghalang Pilipino sa kanilang produksyong “Gregoria Lakambini: A Pinay Pop Musical,” isang kakaibang musical na pinagsasama ang makasaysayang kwento, makabagong tunog ng P-pop, katatawanan, at makabuluhang mensahe tungkol sa tapang at kapangyarihan ng kababaihan.

Napanood ng BANDERA ang opening at gala night ng palabas sa Proscenium Theater sa Rockwell Center, Makati City kamakailan lang at masasabi nating sulit na sulit ang dalawang oras na panonood. 

Hindi lang ito basta isang musical na may magagandang kanta at makukulay na pagtatanghal dahil may dala rin itong aral, inspirasyon, at kwentong siguradong mag-iiwan ng marka sa manonood.

Baka Bet Mo: REVIEW: ‘He’s Dating a Boldstar’ hatid kilig, tawanan nina Malupiton, Analyn Barro!

<iframe src=" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

Isa sa mga pinaka nagustuhan namin sa produksyon ay ang pagiging creative nito sa pagkwento ng buhay ni Gregoria de Jesus o mas kilala bilang Lakambini ng Katipunan. 

Sa halip na tradisyonal na pagsasalaysay ng kasaysayan, ginamit ang enerhiya at istilo ng isang P-pop girl group para mas maging relatable, lively, at entertaining ang kwento.

At oo, talagang may dating ang buong production! 

Mula sa stage setup hanggang sa mga eksena, kapansin-pansin ang pagiging malikhain ng mga bumuo ng palabas. 

Hindi lang basta dekorasyon ang entablado dahil nagiging bahagi ito ng pagkukwento at nagbibigay-buhay sa bawat tagpo.

Pati ang mga costume ay winner! 

Napaka-fashionable ng mga kasuotan ng mga karakter, na may modernong P-pop flair pero hindi nawawala ang koneksyon sa panahong ginagalawan ng kwento. 

Para kang nanonood ng isang concert, fashion showcase, at history lesson na pinagsama sa iisang entablado.

Isa pang malaking highlight ang walong babaeng bumubuo sa cast. 

Kahanga-hanga ang kanilang versatility dahil kahit may mga karakter na lalaki sa kwento, sila rin ang gumaganap sa mga ito. 

Walang naging hadlang ang ganitong konsepto para maipakita nila ang kanilang husay sa pag-arte at pagganap.

Kapansin-pansin kung paano nila nagagampanan ang iba’t ibang papel nang may kumpiyansa at personalidad. 

<iframe src=" width="500" height="787" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Pinangungunahan ni Marynor Madamesila ang show bilang Gregoria de Jesus. 

Kasama niya sina Anya Evangelista na gumaganap din bilang Andres Bonifacio, Heart Puyong bilang Emilio Aguinaldo, at Sofia Sacaguing bilang Julio Nakpil.

Kabilang din sa cast sina Sarah Monay, na nagsisilbing understudy ni Gregoria de Jesus, Ynna Rafa, Murline Uddin, at Frances Marie bilang ensemble.

Hindi rin pahuhuli ang mga kanta sa musical na bukod sa catchy at magandang pakinggan, malinaw ang mensaheng hatid ng bawat awitin. 

Hindi lang sila inilagay para magkaroon ng musical numbers ang palabas dahil nagsisilbi rin silang paraan para mas maipahayag ang emosyon, paninindigan, at mga pinagdaanan ng mga karakter.

Maganda ang balanse ng musika, drama, at comedy kaya hindi nagiging mabigat ang pagtalakay sa kasaysayan.

At speaking of comedy, hindi rin nagkulang ang palabas sa pagpapatawa! 

May mga eksenang siguradong magpapatawa sa audience, pero hindi nito isinasantabi ang seryosong mensahe ng kwento. 

Sa halip, nagiging mas magaan at madaling maintindihan ang mga makasaysayang pangyayari.

Pero higit sa lahat ng magagandang production elements, ang pinakamahalagang naiiwan ng Gregoria Lakambini ay ang kwento ng isang babaeng hindi dapat nakalimutan sa kasaysayan.

Sa pamamagitan ng produksyon, mas nakikilala natin si Gregoria de Jesus hindi lamang bilang asawa ni Andres Bonifacio kundi bilang isang babaeng may sariling tapang, paninindigan, at mahalagang papel sa Himagsikang Pilipino.

Mula sa pagiging isang dalaga mula sa Caloocan hanggang sa pagiging Lakambini ng Katipunan, ipinakita ng musical ang iba’t ibang mukha ni Oryang bilang asawa, rebolusyonaryo, at ina. 

Mapapanood ang “Gregoria Lakambini: A Pinay Pop Musical” hanggang November 29 sa Proscenium Theater, Rockwell Center, Makati City.

The post REVIEW: ‘Gregoria Lakambini’ Pinay pop musical na empowering, witty, hitik sa aral! appeared first on Bandera.

Source link