HINDI man ligtas sa pambabatikos online, tila hindi naman hinahayaang sirain ni social media personality Chloe San Jose ang kanyang araw dahil sa mga negatibong komento ng netizens.
Simula nang maging publiko ang relasyon nila ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, naging sentro na rin ng usap-usapan si Chloe online.
Pero kahit kaliwa’t kanan ang natatanggap na bashing, hindi raw ito sapat para maapektuhan ang buhay niya.
Sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, ikinuwento ni Chloe kung paano niya hinaharap ang mga kritisismo at masasakit na komento online.
Baka Bet Mo: Chloe San Jose pinalalakas si Carlos: ‘Hindi pa tapos ang laban!’
Tinanong din siya ng King of Talk kung mayroon bang pagkakataong muntik na siyang sumuko o hindi kinaya ang sunod-sunod na pambabatikos sa kanya.
“Wala. I am very mainisin, pero [after that], I would go to the living room and eat chips after and like watch a movie or something. It doesn’t take away the life that I live,” pag-amin ni Chloe.
May dahilan din daw kung bakit hindi siya nahihiyang ipahayag ang kanyang saloobin.
“In our family, everyday dinner is three hours because of how much we talk about ourselves or how much we dream about these things or how much we want to do these other things. Just, like, general stuff and always laughing together,” chika ni Chloe.
Dagdag pa niya, “I grew up in a family that really expresses what they want and has always been open, so I feel that’s why I’m reactive to things.”
Kaya kahit may pagkakataong sumasagot siya sa mga bashers, hindi naman ibig sabihin na hinahayaan niyang kontrolin ng mga ito ang kanyang emosyon at pamumuhay.
Giit pa ni Chloe, hindi rin naaapektuhan ng mga negatibong komento ang relasyon nila ngayon ni Carlos, gayundin ang kani-kanilang career.
“It doesn’t affect how I live, the way I live, like the lifestyle that I get to live with of course, my fiancé now. And you know, it doesn’t affect ‘yung career ni Caloy, ‘yung career ko,” sambit niya.
Wika pa niya, “We’re still here and still fighting, so I don’t think I have to be affected by what people have to say.”
The post Chloe San Jose aminadong mainisin pero kebs sa bashers: Doesn’t affect how I live appeared first on Bandera.
