Bela Padilla pahinga muna sa pag-arte, bakit kaya? ‘I’m building something…’

Bela Padilla pahinga muna sa pag-arte, bakit kaya? ‘I’m building something…’

PHOTO: Instagram/@bela

HINDI lang basta pagpapahinga sa pag-arte ang gagawin ngayon ni Bela Padilla dahil may mas bongga siyang planong gustong maisakatuparan.

At ito ang magkaroon ng sariling workshop o paaralan para sa mga aspiring writers!

Sa halip na magpaka-busy muna sa pag-arte, mas nais ngayon ng aktres, writer, at film producer na ibahagi ang mga natutunan niya sa industriya sa pamamagitan ng isang mentorship program na makatutulong sa mga creative na nangangailangan ng gabay sa pagsusulat.

Sa isang panayam kasama ang INQUIRER, sinabi ni Bela na malaki ang naitulong ng pagiging masinop niya sa pera noong kabataan para magkaroon siya ngayon ng kalayaang pumili kung anong proyekto ang gusto niyang gawin.

Baka Bet Mo: Bela Padilla ilang beses naospital dahil sa matinding stress: I lost my fight

Aminado ang aktres na todo-ipon siya noong 20s niya at umaabot pa sa 60% ng kanyang kinikita ang itinatabi niya kapag nakakakuha ng mga proyektong malaki ang bayad.

“You wouldn’t see me at bars in my 20s. I feel like I deserve [this freedom] right now,” sey niya.

Patuloy pa niya, “I really needed to work hard, and I enjoyed that part of it. There’s satisfaction in that.”

Ngayon namang medyo maluwag na ang kanyang schedule at pinansyal na kalagayan, mas binibigyan na ni Bela ang sarili ng pagkakataong mag-enjoy at tikman ang bunga ng kanyang pinaghirapan.

Pero huwag isipin na todo-shopping at walang preno sa paggastos ang aktres dahil hindi pa rin siya mahilig sa biglaang pagbili ng mga mamahaling gamit.

Mas gusto niyang gastusin ang pera sa travel, masasarap na pagkain, at bonding trips kasama ang mga kaibigan. 

Sa ngayon, ginagamit ni Bela ang pahinga niya sa pag-arte para pagtuunan ng pansin ang isang proyektong matagal na niyang gustong buuin. 

“I’m building something. I can’t really talk about it yet. I’m still fixing it,” pagbubunyag niya.

“It’s for creatives. I would love to invite writers who need help, who need guidance. So, it’s more like a workshop or a school for writers,” dagdag niya.

“I’m doing things I want to do. I’m building something that I feel like I can leave behind,” Sambit pa niya.

“It’s more of a legacy work than work-work. It’s time to share what you’ve learned,” aniya.

Hindi pa nagbibigay ng kumpletong detalye si Bela tungkol sa kanyang writing program dahil inaayos pa niya ang mga plano. 

Pero kapag final na ang lahat, tsaka niya ito opisyal na iaanunsiyo.

Matatandaang halos hindi nagpahinga si Bela sa unang walong buwan ng taon dahil sunod-sunod ang kanyang mga trabaho, kabilang na ang pagkuha niya sa drama movie na “Life After You” kasama ang beteranang aktres na si Maricel Soriano.

The post Bela Padilla pahinga muna sa pag-arte, bakit kaya? ‘I’m building something…’ appeared first on Bandera.

Source link