Bagong SPMS Portal sa San Juan City Jail magpapadali sa performance monitoring

Bagong SPMS Portal sa San Juan City Jail magpapadali sa performance monitoring

PHOTO: Courtesy of San Juan city Jail-Male Dormitory

MAY bagong paraan na para mas mapadali at mapabilis ang pag-monitor sa performance ng mga jail personnel!

Ipinakilala sa mga kawani ng San Juan City Jail–Male Dormitory ang bagong Strategic Performance Management System (SPMS) Portal sa isinagawang orientation kamakailan lang.

Sa ilalim ng pamumuno ni City Jail Warden JCINSP Edilberto R. Palmera, layunin ng bagong portal na gawing mas madali, mabilis, at organisado ang proseso ng performance monitoring ng mga personnel.

Pinangunahan nina JO2 Mary Edgen Galido at JO1 Joyce Fernando, kapwa Performance Management Officers (PMO), ang orientation kung saan ipinaliwanag nila ang paggamit at mga pangunahing feature ng nasabing portal.

Baka Bet Mo: San Juan City Jail hinasa sa pinalakas na forensics, crime scene preservation

Ang SPMS Portal ay binuo naman ni JO2 Rodel Poblete, PMO ng Pasay City Jail–Male Dormitory.

Sa pamamagitan ng bagong system, hindi na kailangang mahirapan ang mga personnel sa pag-asikaso ng kanilang mga performance-related documents dahil maaari na nilang ma-access online ang iba’t ibang mahahalagang report at record.

Kabilang dito ang online creation ng Personnel’s Monthly Accomplishment Report (PMAR), automated ratings, mga dati nang naisumiteng forms at ratings, Coaching Reports, at Supervisor’s Journal Reports.

Nasa portal na rin ang mga pinakabagong memorandum at paalala tungkol sa iba’t ibang compliance na kailangang sundin ng mga kawani.

Bilang unang hakbang sa paggamit ng bagong system, isasagawa ang pilot testing ng SPMS Portal sa San Juan City Jail–Male Dormitory simula ngayong buwan ng Nobyembre.

Sa tulong nito, inaasahang magiging mas maayos ang performance monitoring process, na makatutulong din sa mga personnel na mas mapadali ang kanilang mga kailangang isumite at i-monitor.

The post Bagong SPMS Portal sa San Juan City Jail magpapadali sa performance monitoring appeared first on Bandera.

Source link