Maine Mendoza, Arjo Atayde iniintrigang hiwalay na…na naman!?

Maine Mendoza, Arjo Atayde iniintrigang hiwalay na…na naman!?

Maine Mendoza at Arjo Atayde

NAKAKALOKA talaga ang mga Marites sa social media! Iniintriga na naman kasi nila ang celebrity couple na sina Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde.

Ang isyu ng mga intrigerang netizens, hindi na raw kasi magkasamang dumadalo ang mag-asawa sa kanilang mga family gatherings.  

Partikular na binanggit ng mga netizens ang umano’y hindi pagdalo ng kongresista sa birthday celebration ni Maine at ganu’n din ang TV host-actress sa mga espesyal na okasyon sa pamilya Atayde.

Napag-usapan ang isyung ito sa “Ogie Diaz Showbiz Update” YouTube channel kung saan nabanggit ni Mama Ogs na maraming nagtatanong sa kanya kung totoong hiwalay na ang mag-asawa.

“Tinatanong ako, ‘Sila pa ba, Ogie?’” simulang chika ng talent manager at host.

“Tinatanong sa akin, sina Maine Mendoza at Arjo Atayde pa ba? Ewan ko ba, parang obligasyon yata ng mga showbiz couples na magpakita sila from time to time? 

“Na once in a while, magpakita sila na magkasama sila to assure the people na kami pa rin. Parang assignment na ‘yan ng mga couples, no?” lahad pa ni Mama Ogs.

Baka Bet Mo: Maine Mendoza sa mga botante: Doon tayo sa mga tapat at nararapat!

Um-agree naman ang co-host niyang si Mama Loi na nagsabing naku-curious talaga ang mga taong mahilig sumubaybay sa buhay ng mga artista kapag hindi na madalas nagpo-post ng kanilang pictures together ang mga showbiz couple sa socmed.

Pero paniniguro ni Ogie sa relasyon nina Maine at Arjo, “Sila pa rin po naman.”

Naikuwento pa niya ang pinag-usapang video sa Reddit kung saan makiktang magkasama sina Maine at Arjo sa backstage ng musical play na “Bongga Ka Day: The Annie Batungbakal Musical” na bumati sa lead star nitong si Atasha Muhlach.

Magkasama sina Maine at Atasha bilang mga host sa iconic noontime show na “Eat Bulaga.”

“Kasi hindi naman sa lahat ng pagkakataon, kailangan silang makitang magkasama,” sey ni Ogie.

Nang usisain daw ni Ogie ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez, pinabulaanan nito ang chikang naghiwalay na ang mag-asawa.

Bukas ang BANDERA sa panig nina Cong. Arjo at Maine hinggil sa isyung ito.

The post Maine Mendoza, Arjo Atayde iniintrigang hiwalay na…na naman!? appeared first on Bandera.

Source link