TATLONG international awards ang nasungkit ng mga ABS-CBN artists na sina Carmelle at BINI, na muling nagbigay ng karangalan sa Pilipinas nitong weekend.
Nagwagi ang BINI sa Favorite Global Music Star category ng 2026 Nickelodeon Kids’ Choice Awards na gjnanap sa Los Angeles, California.
Tinalo ng grupo na kumatawan sa Asya ang iba pang international music stars na sina Taylor Swift, Karol G, Zara Larsson, Olivia Dean, Tyla, at Tame Impala.
Kabilang din sa mga nakatanggap ng awards sina Tom Holland, Zendaya, Chris Pratt at ang K-pop Supergroup na BTS.
Hindi pa rito nagtapos ang tagumpay ng BINI dahil kinilala rin silang Most Influential Southeast Asian Artiste – Female sa 2nd Jupiter Music Awards, na ginanap sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
“Thank you, Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2026, Blooms and everyone who voted for BINI as Favorite Global Music Star,” ang mensahe ng BINI na mababasa sa kanilang Facebook page.
“It’s truly an honor to be part of this year’s winners!” sabi pa ng grupo.
“It’s truly an honor to receive this award alongside so many amazing artists across Asia. 2… 3… Maraming salamat po!” dagdag ng BINI.
Baka Bet Mo: BINI Mikha pinuri ni Gabriel Go: I gotta give it to her
Binubuo ng walong miyembro na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena, patuloy na umaani ng tagumpay ang BINI sa international music scene sa kanilang mga kanta, performances, at world tour.
Samantala, gumawa naman ng kasaysayan si Carmelle bilang kauna-unahang kampeon ng “Eurovision Song Contest Asia.”
“These victories are a proud moment not just for ABS-CBN, but for the entire country. CARMELLE and BINI have shown that Filipino talent can stand alongside the best in the world. As ABS-CBN continues to expand its presence in the global entertainment market, we remain committed to creating more opportunities for Filipino artists to showcase their talent and share our music with the world. Their success is a source of great pride for all Filipinos,” sabi ni ABS-CBN Music and Integrated Events head Roxy Liquigan.
Nasungkit ni Carmelle ang titulo sa Eurovision Asia na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Sabado (November 14), matapos talunin ang mga kalahok mula sa 10 iba pang bansa sa Asya.
Pinabilib ng Kapamilya singer ang international audience sa kanyang performance ng “Sobra-Sobra,” kung saan ipinamalas niya ang kanyang husay sa pagkanta, mabilis na pagra-rap, at pagsayaw.
Nanguna si Carmelle sa parehong jury at audience voting, matapos makakuha ng 93 points mula sa jury at 118 points mula sa audience para sa kabuuang 211 points.
Ang kanyang winning song na “Sobra-Sobra,” na isinulat nina Mat Olavides at Nica del Rosario, ay isang awiting nagbibigay-pugay sa lakas, kumpiyansa, at kakayahan ng kababaihan.
Bago ang kanyang historic win, nakilala si Carmelle bilang first runner-up sa “The Voice Kids Philippines” Season 4 at naging kampeon ng “Tawag ng Tanghalan: The School Showdown” sa “It’s Showtime” noong 2025.
Nakakuha rin siya ng pitong gold medals sa World Championships of Performing Arts noong 2019.
Suportado ng ABS-CBN at Star Music ang kanyang Eurovision Asia journey. Naging Philippine broadcast partner din ang ABS-CBN ng kompetisyon, kung saan nagkaroon ng special participation si Vice Ganda bilang tagapag-anunsyo ng Philippine jury votes.
The post BINI wagi sa 2026 Nickelodeon Kids’ Choice Awards, Taylor Swift kinabog appeared first on Bandera.