Vivamax star Joy Basa type makatrabaho si Wilbert Ross 

Vivamax star Joy Basa type makatrabaho si Wilbert Ross 

Denise Esteban, Wilbert Ross at Joy Basa

TYPE makatambal sa pelikula o serye ng Vivamax actress na si Joy Basa ang singer-actor at dancer na si Wilbert Ross.

Bilib na bilib ang sexy star sa pagiging multi-talented ni Wilbert at feeling niya, marami siyang matututunan kapag nakatrabaho niya ang binata.

“Gusto ko po talagang maka-work si Wilbert Ross. Kasi parang ang perfect ng image niya sa publiko. Mabait din siya at magaling kumanta,” ani Joy.

Pagdating naman sa mga femals stars, “Siguro si Angeli Khang. Siya ang unang pumasok sa isip ko and alam ko pong magaling siyang artista.

“And mabait din po kasi siya. At ang tangkad niya po pala sa personal! Nagkaroon din kasi kami ng project na magkasama kami, at masasabi kong sobrang bait niya,” sabi pa ng VMX bombshell.

Samantala, mahumaling sa bawat galaw, matigilan sa bawat bitaw ng katawan sa mga makakaakit na pagsasayaw sa “Hot Moves.”

Isang VMX special feature mula sa direksyon ni Sigrid Polon, mapapanood sa “Hot Moves” ang most seductive dance routines mula sa ilang VMX movies. 

Baka Bet Mo: Vivamax star inalok ng mayor, senador ng one-night stand; P300K ang tip

Lahat ng klase ng sayaw na nakatawag-pansin, gaya ng pole spins, floor work, pati slow grinds, ay pinagsama-sama upang muling makuha ang interes at atensyon ng mga manonood.

Magiging host naman ng nasabing feature ang dalawang naggagandahang VMX sexy stars na sina Denise Esteban at Joy Basa, na hindi rin magpapahuli sa erotic dance moves para sa mga avid subscribers.

Tiyak na mag-iinit na naman ang lahat sa mga hindi malilimutang eksena at pagsayaw sa “Hot Moves”. Streaming na sa VMX!

The post Vivamax star Joy Basa type makatrabaho si Wilbert Ross  appeared first on Bandera.

Source link