Play Ph sa inokray na performance: Hindi po kami physically ready 

Play Ph sa inokray na performance: Hindi po kami physically ready 

Play Ph

INSTANT ang naging pagsikat ng P-pop group na Play Ph dahil sa naging performance nila sa isang morning show na na-bash at nalait nang bonggang-bongga.

Grabe ang natanggap nilang pang-ookray mula sa netizens nang mag-viral ang video ng guesting nila sa naturang programa kung saan binanatan ang kanilang vocals at choreography.

Sa panayam ng GTV talk show na “KALURKS!”, nagsalita na ang mga miyembro ng Play Ph na sina Travis, Gab, James, Kenji, Wesley at Sean hinggil sa kanilang viral video.

In fairness, okay na okay naman ang live performance ng grupo para sa kanta nilang “Crush Kita” sa studio ng  “KALURKS!”.

Paliwanag ni Sean sa kanilang na-bash na performance, “At first po, we were all pretty down. 

“But as a group, we all encouraged each other and right now po, we are so excited and happy po that it opened so many doors for us that we didn’t expect po,” aniya pa.

Esplika ni Kenji sa madlang pipol sa nangyari, “Hindi rin po kami physically ready po that time since marami-rami rin po kasi kaming naging guesting in the past few days, noong araw na ‘yon. 

Baka Bet Mo: UMD, Sexbomb, Manoeuvers may asim pa kahit nagkaedad na

“Medyo tired po, pagod din po ‘yung katawan namin. Mas ipapa-better pa rin po namin sa susunod na mga performance namin,” saad ng binata.

Nagbahagi naman si James ng pinagdaanan nilang training bago sila naging Play Ph, “‘Yung training po namin mahirap po kasi ‘pag pumasok ka nga po sa P-pop industry is alam naman na po natin na mahirap talaga ang training. 

“Nagte-training po kami ng 9 a.m. to 12 a.m. po, ganu’n po katindi ‘yung training. Kasama na po ru’n ‘yung dance at saka vocals namin,” sey ni James.

Kuwento ni Gab, nag-audition silang lahat para sa naturang grupo, “Dati po marami po kami, almost 10 po kami. Hanggang sa kami na lang po natirang anim.”

Para sa mga susunod namang proyekto ng Play Ph after nilang mag-viral, sabi ni Travis, “Sa mga next plans po namin, siyempre po nag-viral po kami, may part po na nakakalungkot, pero tumulong po siya para mas mag-improve pa po kami and maka-inspire po.

“So sa mga next guestings po namin, asahan niyo po na mas ibibigay po namin ‘yung best namin,” aniya.

The post Play Ph sa inokray na performance: Hindi po kami physically ready  appeared first on Bandera.

Source link