HINDI naniniwala si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na bawal makipag-sex ang isang atleta bago sumabak sa laban.
May mga nagsasabi kasi na posibleng maapektuhan ang performance ng isang athlete kapag nagkaroon siya ng sexual activity bago sumabak sa competition.
Sa isang panayam, nabanggit ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na hangga’t maaari ay iniiwasan niyang makipagtalik sa loob ng tatlong linggo o sa kasagsagan ng kanyang training.
Para sa dating senador, bahagi ito ng disiplina at mental focus ng isang athlete lalo na sa mga tulad niyang boksingero.
Ngunit sa interview ng “Fast Talk with Boy Abunda”, sinabi ni Carlos na “myth” lamang ang paniwala na bawal ang sex bago sumabak sa kumpetisyon.
Nagpasintabi muna si Tito Boy sa mga viewers bago nagtanong kay Caloy, “Bawal ba ang sex bago ang event?”
“I think it’s really a myth kasi naranasan ko na rin siya. Hindi siya nakakaapekto,” pahayag ni Carlos.
“Sometimes, a great happiness po, di ba, can usually boost you up the next day?
Baka Bet Mo: Chloe San Jose pinalalakas si Carlos: ‘Hindi pa tapos ang laban!’
“We’re humans. We’re men, kapag gising mo, okay ka na ulit, e. Mataas na ulit ‘yung testosterones nating mga lalaki,” aniya pa.
Patuloy pa niya, “I feel like for me po, this is in my case only and my opinion. It’s really here, it’s really in the mind.”
Mukha namang kinilig ang fiancée ni Carlos na si Chloe San Jose nang marinig ang sinabi ng champion gymnast na kasama niya ring nag-guest sa “Fast Talk.”
Nauna rito, nagkuwento rin si Carlos tungkol sa engagement ring na ibinigay niya kay Chloe.
“We’re really open to everything so gusto namin, both of us, hindi siya mukhang engagement ring and hindi siya normal na ring.
“For me, gusto ko magamit niya into fashion. Magagamit niya anytime. So yung napili ko po, based din sa nagustuhan ko at that moment. It’s priceless.
“She deserves everything na kung ano yung kaya kong ibigay sa kanya,” sabi ng binata.
Reaksyon ni Chloe, “Of course, kinikilig din po. I am always so blessed. God has given me a very generous and caring man. And I feel very loved of course, all the time.”
The post Carlos Yulo bawal bang makipag-sex bago sumabak sa laban?! appeared first on Bandera.
