INILANTAD ni Ellen Adarna sa publiko ang mga kapuri-puring qualities ni John Lloyd Cruz bilang tatay at dating partner.
Hindi pinalampas ng dating sexy star ang pagkakataon na ibandera sa madlang pipol kung gaano ka-hands on dad si Lloydie sa kanilang anak na si Elias Modesto.
Nag-react si Ellen sa unang commercial nina John Lloyd at Elias para sa isang brand ng gamot.
Nag-upload ang award-winning actor sa kanyang Facebook page ng video kung saan mapapanood na kasama niya sa iisang frame si Elias.
Sey ng aktor, binago raw ng anak nila ni Ellen ang kanyang buhay at tinawag pa si Elias bilang “favorite blessing”.
Ni-repost ni Ellen sa kanyang Instagram ang nasabing video kung saan pinuri nga niya ang dating karelasyon sa pagiging hands-on nito bilang tatay.
“To the co-parent @johnlloydcruz83 who wouldn’t even let me change a single diaper while I was recovering from childbirth, and who has always been so hands-on and present in Elias’ life,” bahagi ng caption ni Ellen.
“It makes me so happy to see that same caring and nurturing nature in our son,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Ellen Adarna walang tawad sa patama: ‘Sana talaga ganyan ka sa totoong buhay!’
Nagbiro pa ang aktres kaugnay ng first endorsement ng mag-ama, “Baka sabay-sabay na ninyo akong pagsasabihan ng ‘Ingat!’ LOL!”
The post Ellen Adarna spoiled kay John Lloyd, may hugot sa pagpapalit ng diaper appeared first on Bandera.
