Carlos Yulo ipinagdasal kay Lord si Chloe: Talagang hiniling kita…it’s perfect!

Carlos Yulo ipinagdasal kay Lord si Chloe: Talagang hiniling kita…it’s perfect!

Chloe San Jose at Carlos Yulo

NAGPALITAN ng kanilang pre-wedding vows ang engaged couple na sina Carlos Yulo at Chloe San Jose.

Sa guesting nila sa “Fast Talk with Boy Abunda” natanong ang kontrobersyal na magdyowa kung ano ang mensahe at maipapangako nila para sa isa’t isa bago ang pinakaaabangan nilang wedding.

“I wanna thank God for giving him to me. Thank you for loving me unconditionally, walang kapalit and very self-caring,” ang simulang pahayag ni Chloe para kay Carlos.

Aniya pa, “Parang the effort and the time to really make our relationship work and for being so generous in everything. For sharing everything that you have and for being so selfless.

“He’s really a selfless man talaga, the best. Just being close to God is what I want to thank you for,” papuri ng singer at online personality kay Caloy.

Sabi naman ng champion gymnast at two-time Olympic gold medalist, talagang pinagtagpo raw sila ni Lord sa tamang panahon at pagkakataon.

“It’s really God who made us altogether na magkasama. I’m just really grateful sa mga ipinakita mo sa akin na ganito pala kaganda yung mundo,” saad ni Carlos.

“Without you, parang huwag na lang. Thank you sa napakalaki mong puso na tulungan ako na i-reach everything sa buhay ko.

“I am just really grateful sa pagmamahal, always. Not only sa akin, sa family na meron tayo ngayon, and of course, sa mga kapatid ko.

Baka Bet Mo: Angelica Yulo, Rovelyn Baterbonia sanib-pwersa: ‘BASHER ATTACK!’

“I am just really happy to have you in my life and puro pasasalamat talaga sa Panginoon na ibinigay ka Niya sa akin,” pagpapatuloy pa ng Pinoy athlete.

Rebelasyon ni Carlos, “Talagang hiniling kita. I really wish and pray na bigyan Niya ako ng partner na kagaya mo. It’s perfect.”

Samantala, nagkuwento rin si Carlos tungkol sa engagement ring na ibinigay niya kay Chloe.

“We’re really open to everything so gusto namin, both of us, hindi siya mukhang engagement ring and hindi siya normal na ring.

“For me, gusto ko magamit niya into fashion. Magagamit niya anytime. So yung napili ko po, based din sa nagustuhan ko at that moment. It’s priceless.

“She deserves everything na kung ano yung kaya kong ibigay sa kanya,” sabi ng binata.

Reaksyon ni Chloe, “Of course, kinikilig din po. I am always so blessed. God has given me a very generous and caring man. And I feel very loved of course, all the time.”

The post Carlos Yulo ipinagdasal kay Lord si Chloe: Talagang hiniling kita…it’s perfect! appeared first on Bandera.

Source link