BINI maraming pasabog sa GGV; kultura ng kape sa Vietnam babandera

BINI maraming pasabog sa GGV; kultura ng kape sa Vietnam babandera

HANDANG-HANDA na sa kulitan, tawanan, at kantahan ang Nation’s Girl Group BINI kasama si Phenomenal Unkabogable Superstar Vice Ganda.

Siguradong riot na naman ang inaabangang two-part special ng kanilang unfiltered harutan sa “Gandang Gabi Vice: Unfiltered” exclusively sa iWant ngayong Nobyembre 15 at 22.

Kakaibang Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang masasaksihan ng mga manonood sa kanilang “GGV” debut. 

Bukod sa pagbabahagi ng kani-kanilang unforgettable moments bilang grupo, hindi rin sila magpapahuli sa mga hiritan nina Vice at ng kanyang Geng Gang.

Kasabay nito, puspusan na rin ang paghahanda ng BINI para sa pagtatapos ng kanilang Signals World Tour na gaganapin ang final show nito sa Taipei ngayong Nobyembre 15.

Abangan ang uncut at unfiltered kulitan nina Vice at BINI sa “Gandang Gabi Vice: Unfiltered” two-part special simula ngayong Linggo, 11 p.m. sa iWant.

Mapapanood din ang “Gandang Gabi Vice” tuwing Linggo, 10 p.m. sa GMA.

* * *

Bongga! Mas pinalawak pa ng Don Macchiatos, ang kauna-unahang P39 coffee chain sa bansa, ang kanilang hanay ng abot-kaya at masasarap na coffee-based drinks sa pamamagitan ng pagpapakilala ng apat na bagong flavor na hango sa tanyag na kultura ng kape sa Vietnam.

Opisyal na inilunsad ng coffee chain ang apat na bagong flavor kamakailan lamang, sa kanilang flagship branch na matatagpuan sa P. del Rosario Street, katabi mismo ng Sto. Rosario Church.

Baka Bet Mo: Vice Ganda walang sama ng loob sa TVJ: Hindi naman sila ang nakasakit sa akin

Hango sa matapang at kakaibang coffee culture ng Vietnam, tampok sa bagong lineup ang Salt Coffee, Coconut Coffee, Iced Black Coffee at Iced Milk Coffee.

Inihahanda ang mga bagong inuming ito gamit ang tradisyonal na phin filter, isang paraan ng pagtimpla ng kape sa Vietnam na naglalabas ng mayaman at malinamnam na lasa. Karaniwan itong inihahalo sa matamis na condensed milk at inihahain nang may yelo.

Tampok din sa bagong koleksiyon ang mga de-kalidad na Robusta coffee beans mula sa Trung Nguyen, na kilala sa matapang na lasa, dark-roasted aroma at kakaibang bahid ng tsokolate—mga katangiang nagbibigay ng pagkakakilanlan sa Vietnamese coffee.

Ipinakikita ng pakikipagtulungang ito ang hangarin ng brand na maghatid ng tunay na lasa ng Vietnamese coffee sa mas maraming Pilipino, at ipakilala sa bansa ang kakaibang timpla ng tinaguriang Land of the Blue Dragon.

Kasabay ng paglulunsad ng kanilang mga bagong produkto, mas pinaganda rin ng Don Macchiatos ang kanilang flagship store sa P. del Rosario, katabi ng Sto. Rosario Church.

Dinisenyo ng Yaoto Architects + Partners, ginaya ng bagong ayos na tindahan ang nakakarelaks na ambiance ng mga coffee shop sa mga lansangan ng Vietnam. 

The post BINI maraming pasabog sa GGV; kultura ng kape sa Vietnam babandera appeared first on Bandera.

Source link