Sandara Park umamin: Sana hindi na lang ako umalis sa Pilipinas

Sandara Park umamin: Sana hindi na lang ako umalis sa Pilipinas

AMINADO ang Korean actress-singer na si Sandara Park na may mga pagkakataong nagsisisi siya kung bakit umalis siya ng Pilipinas.

Sa kasagsagan ng kanyang kasikatan noon matapos ang Kapamilya reality talent search na “Star Circle Quest”, ay nagdesisyon si Sandara na iwan ang kanyang career sa Pilipinas para maging K-Pop star.

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila para sa YouTube vlog nito ay natanong nga siya kung may regrets ba siya sa pag-alis niya sa Pilipinas ilang taon na ngayon ang nakararaan.

“Meron po minsan. Sana hindi na lang ako umalis,” pag-amin ni Sandara.

Baka Bet Mo: Sandara Park super love ng mga Pinoy: Happy!!!

Pangarap na raw talaga niya ang maging isang sikat na artista aalagi siyang handang sumubok sa mga bagong challenges.

Naalala rin niya ang isang pagkakataong bumisita siya sa sarili niyang bansa, ngunit walang nakakakilala sa kanya kahit sikat na siyang artista sa Pilipinas noon.

“I was shocked, I’m in Korea but nobody knows me and I wanted to try to be a star in Korea too,” ani Dara.

Tinanggap ng Korean star ang naturang at sumailalim sa training sa YG Entertainment, hanggang sa maging miyembro na nga siya ng all-female K-pop grouo na 2NE1.

Inamin naman ng dalaga na hindi na niya kayang muling sumugal sa ganoon ding paraan tulad ng ginawa niya ilang taon na ang nakalilipas.

“Maybe I was just so young that time so hindi ko alam kung ano mangyayari in the future. I just tried anything.

“I love the challenge, I love to try new things, and syempre hindi ko alam kung magiging successful pa ako or tapos na ang career ko,” saad pa niya.

Sa kabila ng regrets na ito, nagpapasalamat din siya na hindi bumitaw sa pagsuporta at pagmamahal sa kanya ang mga fans niya sa Pilipinas.

“Lagi ko sinasabi sa kanila na no words can explain how much I’m thankful kasi parang talagang iniisip ko siguro Pinay ako sa past life ko kasi it’s really amazing,” aniya.

The post Sandara Park umamin: Sana hindi na lang ako umalis sa Pilipinas appeared first on Bandera.

Source link