Chikana nakabili ng bahay, kotse dahil sa pagiging content creator!

Chikana nakabili ng bahay, kotse dahil sa pagiging content creator!

PHOTO: Instagram/@paupelaez_

KAHIT nagme-makeup lang sa harap ng camera, nakabili na ng sariling bahay at sasakyan!

Ito ang proud na ibinunyag ni Pau Pelaez, mas kilala sa social media bilang Chikana, matapos tanggapin ang parangal bilang Beauty and Fashion Creator of the Year ng naganap na TikTok Philippines Awards 2026.

Personal na nasaksihan ng BANDERA ang pagkilala sa mga natatanging content creator sa awards night na ginanap noong November 5, kung saan ipinagdiwang ang mga personalidad na nagbibigay-aliw, inspirasyo,n at positibong impluwensiya sa kanilang mga followers.

Isa nga sa mga nagningning sa gabing iyon si Chikana, na limang taon nang gumagawa ng content at nagbabahagi ng kanyang hilig sa beauty at fashion sa social media.

Baka Bet Mo: Davao Conyo bilang TikTok Creator of the Year: ‘I thank God, the Original Creator!’

Sa kanyang acceptance speech, aminado siyang hindi niya akalain na ang kanyang hilig sa beauty and fashion ay magdadala sa kanya sa ganitong kalaking tagumpay.

“Oh my gosh, kinikilig ako! Sorry po medyo kinakabahan ako kasi hindi po ako sanay sa mga ganito kasi introvert po talaga ako, hindi lang talaga halata. Pero firstly, gusto ko magpasalamat sa lahat-lahat,” bungad niya.

Sey pa niya, “Sa supporters, sa friends ko, sa family ko and especially po kay Lord. Grabe, award. Kasi in my five years of content creation, hindi ko po talaga na-expect na makakarating ako sa ganito.”

“Like, oh my God, dahil po sa TikTok, thank you so much TikTok kasi I finally bought a house. I finally bought a car…Hindi ko po na-expect talaga, na kaka-make up ko nakarating po ako sa ganito. Thank you, thank you so much TikTok for giving us this wonderful platform. Kasi maraming opportunity ang na-open dahil sa TikTok,” aniya pa.

<iframe src=" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

Sino nga ba ang mag-aakalang ang dating simpleng paggawa ng makeup content ay magbubukas ng maraming oportunidad para sa kanya?

Kaya naman hindi nakapagtataka kung emosyonal ang kanyang naging reaksyon sa pagkapanalo. 

Bilang Beauty and Fashion Creator of the Year, isa si Chikana sa mga Pinoy content creator na kakatawan sa Pilipinas sa TikTok Awards Southeast Asia 2026.

Gaganapin ang regional awards sa November 27 sa Bali, Indonesia, kung saan makakasama ng mga Pinoy ang mga kinatawan mula sa limang iba pang Southeast Asian markets.

Kabilang din sa mga Pinoy creators na nagwagi sa kani-kanilang kategorya sina Davao Conyo, Spencer Serafica, Margaux Nonato, Juri Imao, Louise Anne Nagal, Belle Rodolfo, Jericho Mark Asis, Jomar Yee, Ryssi Avila, at Aeriel Jan Tolentino.

The post Chikana nakabili ng bahay, kotse dahil sa pagiging content creator! appeared first on Bandera.

Source link