PASABOG ang naging rebelasyon ng “Pinoy Big Brother Collab 3.0” Kapamilya housemate na si Calix Esguerra patungkol sa “Pinoy Big Brother Gen 11” Big Winner na si Fyang Smith.
Habang nag-uusap kasi ang ilang housemates ay napag-usapan nila ang dating big winner na idol niya dahil never itong na-evict kahit lagi siyang nano-nominate.
“Yung manager niya, kilala ko kasi `yung manager niya, si Mannix. Nakakuwentuhan ko kasi `yung manager niya, sabi niya sa akin, na sobrang laki raw nang in-invest nila kay Fyang,” chika ni Calix.
Pagpapatuloy niya, “Na talagang ginastusan nga raw, na parang every week, parang milyon daw ang nilalabas nila. Milyon daw talaga.”
Baka Bet Mo: Calix Esguerra hiyang-hiya nang maghubo sa task ni Big Brother
View this post on Instagram
Sinagot naman ni Robbie si Calix ng, “Pero ‘yun nga ang point ko, na porket na-nominate ka, ibig sabihin mawawala ka na sa bahay, di ba? ‘Yun lang ‘yon. Huwag mo nang isipin na tapos na ang panahon at oras mo dito. Never say die, pare!”
Agad namang nag-buzzer si Kuya kaya napa-sorry ang binata sa kanyang mga pahayag.
Nag-ugat ang pasabog ni Calix dahil sa nalalapit na eviction night kung saan isa siya sa nanganganib na mapalabas sa Bahay ni Kuya.
Marami naman sa mga faney ni Fyang ang nainis sa mga tinuran ng binata.
Hirit nila kay Calix, hindi lang ang management nito ang dahilan kung bakit ito itinanghal na big winner dahil ibinoto siya ng mga tagasuporta sa outside world.
“Bobo na lang maniniwala dito. Knowing na may limit per maya account. Hahahaha,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Pwede ka na maging writer paglabas mo Calix.”
“Wala na ngang ambag sa task. Tsismoso pa,” sabi ng isa.
“Please lang kuya, si Calix na lang palabasin mo,” hirit naman ng isa.
The post Calix Esguerra inispluk management ni Fyang, milyon inilalabas tuwing nominated? appeared first on Bandera.
